Ang Makasalanang Asawa ni Mr. Whitman

Kabanata 45



Kabanata 45

Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa kanyang mga luha.

Ngunit, hindi pa rin siya makapaniwala na ganoon kalupit si Jeremy.

Napakakaaya-aya ng batang iyon. Magagawa niya ba talaga iyon sa bata?

Hinila ng buong lakas ni Meredith ang maikling buhok ni Madeline. Tinignan niya ang simple pero

magandang mukha ni Madeline at nakaramdam siya ng galit sa kanyang dibdib. "Madeline, kilala mo

ba kung sino na ako ngayon? I'm Miss Montgomery, at magiging Mrs. Whitman na ako soon. Who are

you para kalabanin ako?"

Sinipa niya si Madeline na hinang-hina na para makalaban pa. Malagim siyang ngumisi at nagsabing,

"Di ba gusto mong ibalik ko ang anak mo?"

Nanginig si Madeline. Naaninag niya ng kanyang malabong paningin si Meredith na may hawak na

maliit na boteng kasinglaki ng kamao. Mayroong puting pulbos sa loob nito.

"Andito ang anak mo." NôvelDrama.Org owns this text.

Ano?

Pakiramdam ni Madeline ay natuyo ang lahat ng dugo sa kanyang katawan at pati na ang kanyang

kalamnan ay malinis na tinanggal. Buto na lang ang natira sa kanya.

Nagdilim ang kanyang paningin pero naririnig niya ang nakakapangilabot na boses ni Meredith na

nagsabing, "How unfortunate. Isa itong bata who just came to this world. Ang batang 'to ay isang

chubby and cute baby na may laman at dugo. However, abo na lang siya ngayon."

"Sabi ni Jeremy, deserve ito ng bastardong 'yon. Sinong nagsabi sa'yo na galitin mo ako ng galitin?"

"Oh, babae nga pala ang bastardo na 'to. Pero, 'di man lang 'to tinignan ni Jeremy bago siya mag-utos

na ipalibing."

"Since gusto mo ang kanyang walang kwentang abo, then ibibigay ko sa'yo." Nagpanggap na mabait si

Meredith pero malagim siyang tumatawa.

Sobrang sakit ang nararamdaman ni Madeline na paulit-ulit siyang nawawalan ng malay. Nagdilim ang

kanyang paningin, pero nang marinig niya ang mga sinabi ni Meredith ay nagising siyang muli.

Namumula ang kanyang mata habang pinapanood si Meredith na tinataas ang bote. Nang gagapang

sana siya para saluhin ito, tinapakan siya sa likod ng inarkilang tao ni Meredith. Naipit siya sa ilalim

nito.

Smash!

Nabasag ang babasaging bote sa harap ni Madeline. Lumipad sa kung saan-saan ang abo at ang iba

ay umabot rin sa kanyang mukha.

Nanlaki ang mga mata ni Madeline. Nang makita niya ang mga abo sa lapag, nagwala siya sa tindi ng

kanyang damdamin.

"Ah!"

Sumigaw siya nang para bang nababaliw. Nadungisan ng dugo ang kanyang mapuputing ngipin dahil

sa pambubugbog sa kanya. Nakakapanlumo ang itsura niya ngayon.

Nakarating pa lang si Jeremy sa pinto ng cellar nang makarinig siya ng nakakapangilabot na sigaw.

Biglang sumakit ang kanyang puso. Tinaas niya ang kanyang mukha at nakita ang isang babaeng

maikli ang buhok na nakaluhod sa lapag at pinagsasama-sama ang pulbos sa lapag gamit ang

kanyang dalawang kamay na para bang nababaliw na.

Nang makita ni Meredith si Jeremy ay naging malungkot ang kanyang ekspresyon. "Jeremy, hindi ko

'to gustong gawin kay Maddie, pero kapag naaalala ko ang namatay nating anak, nalulungkot ako…"

Nakahanap siya ng resonableng dahilan para saktan si Madeline.

Nanlaki ang mga mata ni Jeremy. Tinignan niya ang babae sa kanyang harapan. Hindi siya

makapaniwala. Mukha siyang nababaliw.

Siya si Madeline.

Habang tinitignan niya ito, tumingala si Madeline. Puro pasa ang kanyang mukha at mayroong dugo sa

gilid ng kanyang labi. Subalit, malinis ang kanyang mga mata.

Nang magtagpo ang kanilang mata, biglang nagulat si Jeremy.

Hindi inaasahan ni Madeline na makitang muli si Jeremy sa ganitong kalagayan.

Nagngitngit ang kanyang ngipin at ginamit ang kanyang huling hininga para tumakbo sa harapan ni

Jeremy. Nababalutan ng puting abo ang kanyang madugong kamay. "Jeremy! Why? Bakit

napakasama mo? Anak natin 'yon! Paano mo nagawa 'yun?"

Nabigla si Jeremy. Tinginan niya ang nagwawalang babae sa kanyang harapan at malamig pa rin ang

kanyang boses kagaya noon. "Kailan ako nagkaanak sa'yo? Madeline, nabaliw ka ba pagkatapos

mong makulong?"


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.