Kabanata 64
Kabanata 64
Nanlabo ang paningin ni Madeline dahil sa ulan, ngunit ramdam niya ang galit ni Jeremy.
Sa sobrang higpit ng hawak ni Jeremy sa leeg ni Madeline, halos hindi na siya makahinga.
Nang makita niya ang namumulang mukha ni Madeline na halos malagutan na ng hininga, bumitaw
siya na para bang nailabas niya na ang kanyang galit. Pagkatapos nito, itinulak niya palayo si
Madeline.
Naghabol ng kanyang hininga si Madeline habang bumubuhos ang ulan.
Pinulot niya ang basa niyang phone at nakita niya ang mga message niya sa screen.
Mayroong message mula sa isang unknown sender na nasa unahan ng listahan. 'Ayaw makinig sakin
ng bata, kaya binugbog ko siya. Hindi na siya nag-iingay ngayon. Kailan mo ba makukuha yung pera
sa mga Whitman para kunin yung bata na 'to?'
Noong mabasa niya ang message na ito, sumabog ang utak ni Madeline. Pagkatapos, nablanko ang
kanyang isipan.
Malinaw na isa itong mensahe tungkol sa pandurukot na naganap, pero bakit ipinadala sa kanya ang
mensaheng 'to? All text © NôvelD(r)a'ma.Org.
"Madeline, pambihira ka talaga. Nakipagtulungan ka pa talaga sa isang hudlum para lang dukutin ang
anak ko. Kapag nasaktan ang anak ko, pagpipira-pirasuhin kita."
Nanginig si Madeline. Noong patayo na siya, nakaramdam siya ng matinding pananakit sa kanyang
tiyan.
Hindi siya makatayo, kaya napaluhod na lamang siya sa tabi ng kotse ni Jeremy habang tinitiis ang
sakit na kanyang nararamdaman. "Jeremy, hindi ko kilala yung taong 'to! Hindi ko kinuha ang anak mo.
Paninirang-puri 'to!"
Bumuhos ang ulan sa kanyang mukha at hindi niya maimulat ang kanyang mga mata sa tindi ng sakit
na kanyang nararamdaman.
"Paninirang-puri? Siniraan ka nanaman ba ni Mer? Ginamit niya ang buhay ng sarili niyang anak para
lang paulit-ulit kang siraan, ganun ba?"
Nagmistulang uhaw sa dugo si Jeremy sa tindi ng kanyang galit.
"Madeline, sinasabi ko na sayo ngayon pa lang. Kapag hindi mo inilabas ang anak ko, sisiguraduhin ko
na makakasama mo na yung namatay mong anak na bastardo!"
Agad siyang umalis pagkatapos niyang pagbantaan si Madeline.
Tumalsik kay Madeline ang tubig at putik na nasa lupa. Nagmistulang milyon-milyong pana na tumarak
sa kanyang puso ang mga sinabi ni Jeremy.
Hiss!
Napahawak ng mahigpit si Madeline sa kanyang tiyan dahil sa matinding sakit na kanyang
nararamdaman at namaluktot. Subalit, hindi humupa ang matinding sakit na kanyang nararanasan.
Palakas na ng palakas ang ulan at halos lunurin ng malamig na hangin ang puso ni Madeline.
Hindi pa sapat ang tatlong taon na pagkakakulong niya para matauhan siya.
Napakahina at napakarupok pa rin niya.
Kinuyom niya ang kanyang mga kamao at kinagat ang kanyang labi upang makatayo siya.
Tinawagan niya si Jeremy. Subalit, hindi na nga siya sumagot, ibinaba niya pa agad ang tawag.
Nanginginig ang mga daliri ni Madeline habang binabasa niya ang mensahe tungkol sa pandurukot kay
Jack. Agad niyang tinawagan ang numero.
Agad na sinagot ng tao sa kabilang linya ang tawag niya. Narinig niya ang boses ng isang lalaki.
"Madeline, nakahanda na ba yung pera?"
Tinatanong siya ng lalaki na para bang napagplanuhan nila ito. Nablanko ang isipan ni Madeline.
Subalit, pakiramdam niya ay narinig na niya dati ang boses ng lalaking ito.
"Sino ka? Bakit mo sinabi yun?" Bumilis ang tibok ng kanyang puso.
"Madeline, ano bang pinagsasabi mo? Matalik tayong magkaibigan! Ikaw yung tumawag sakin tungkol
dito." ang sabi ng lalaki. "Dalian mo, kunin mo na ang pera. Nakakainis na yung batang yun. Baka
mapatay ko yun."
Noong marinig niya na papatayin ng lalaki si Jackson, kumirot ang puso ni Madeline.
"Huwag mong saktan si Jackson!" ang sigaw ni Madeline.
"Alam ko, mababawasan yung perang makukuha ko kapag sinaktan ko 'tong bata. Pumunta ka na dito!
Hindi na ako makapaghintay." ang sabi ng lalaki bago niya ibaba ang phone.
"Huwag mong ibaba! Nasaan ka? Pupunta na ako ngayon!" Natakot si Madeline na mawala ang
anumang impormasyon na makakatulong sa paghahanap kay Jackson, kaya nagtanong siya agad.