Kabanata 81
Kabanata 81
Sumama na ang loob ni Madeline. Paano siya makakaramdam ng pagsisisi?
Kahit na magawa niya pa, huli na ang lahat.
…
Unti-unting nasanay si Madeline sa kanyang pinagtatrabahuan. Palakaibigan ang kanyang mga
katrabaho at pinag-uusapan nila ang tungkol sa isang pagdiriwang para kay Madeline habang
tanghalian.
Nang tanghalian na, nag-uusap ang lahat na gusto nilang kumain nang lumapit ang department
manager na si Elizabeth Snow.
Maganda at bata pa si Elizabeth Snow. Maestilo din ang kanyang kasuotan. Paglapit niya, pinagsaklob This content © Nôv/elDr(a)m/a.Org.
niya ang kanyang kamay at seryosong sinabi. "Nakatanggap tayo ng isang napakahalagang proyekto.
Ang kasalukuyang pausbong na influencer na si Lolly Tate ay ikakasal na sa kanyang kasintahan.
Pumunta sila kina Mr. Whitman at nakiusap sa amin na magdisenyo ng isang pares ng couple rings,
isang kwintas, at isang pulseras para sa kanila. Naglagay sila ng sampung milyong dolyar na
customization fee. Kung makukuha natin ang deal na ito, makakakuha ang department natin ng 10%
na award bonus."
"Wow!"
"Ibig-sabihin ba niyan na bawat isa sa atin makakakuha ng mahigit sampung libo?"
Natuwa ang lahat at maging si Madeline ay nagalak din. Hilig niya ang pagdisenyo ng mga alahas at
nagustuhan niya lamang ito dahil kay Jeremy.
"Kaya dapat kumain na lang kayo ng simpleng tanghalian at huwag nang kumain sa labas. May isang
buwan lamang tayo." Sinabi sa kanila ni Elizabeth na kaunti na lamang ang oras nila. "Pakitignan ang
mga requirements sa project na pinadala ko sa mga email niyo."
Naunawaan ng lahat, pero malaking parte din dito ang malaking bonus. Pakiramdam nila na kahit ano
ay magiging masarap kapag nakuha nila ang pera. Kaya bumalik ang lahat sa kanilang pwesto sa
trabaho.
Hindi pa gutom si Madeline kaya binuksan niya ang kanyang inbox.
Nang babasahin na niya ang laman, lumapit si Elizabeth sa kanya.
"Ikaw ba si Elizabeth Crawford?" Tanong niya.
Kaagad na tumayo si Madeline at ngumiti. "Kumusta, Miss Snow. Ako si Madeline Crawford."
"Ikaw pala yun…" nagsimula siyang tignan ni Elizabeth mula sa taas pababa.
Nailang si Madeline ngunit napanatili niya pa rin ang kanyang magalang na ngiti. Nagtatakang tanong
ni Elizabeth, "Balita ko na nakulong ka sa loob ng tatlong taon dahil sa plagiarism, totoo ba ito?"
Pagkatapos niyang sabihin iyon, nanahimik ang opisina.
Kasabay nito at tinignan ng mga empleyado si Madeline.
Pinakaminamaliit ng mga designer ang mga nangongopya ng disenyo. Nararamdaman ni Madeline na
iba na ang tingin sa kanya ng mga katrabaho niya na dating maayos ang trato sa kanya.
Nanatiling kalmado si Madeline at nagpatuloy na ngumiti. "Hindi ako kailanman nanggaya."
"Kung hindi ka nanggaya, bakit ka nahatulan ng guilty ng hukom?" Tanong ni Elizabeth. Tumaas ang
isang kilay niya. "Bahala na, maswerte ka na may suporta ka, pero gusto kong ipaalala sa iyo na
mababa ang tingin ko sa mga mangnanakaw ng disenyo. Ngayong nasa departamento na kita, huwag
mo nang subukan hung ginawa mo noon. Kung hindi, pahihirapan kita."
Umirap si Elizabeth. Pagkatapos niyang balaan si Madeline, naglakad siya palayo habang pinipitik ang
kanyang takong.
Nanatiling matatag si Madeline at naramdaman niya na may pagdududa ang tingin sa kanya ng mga
katrabaho niya. Pakiramdam niya ay naagrabyado siya at wala siyang magawa.
Hilig talaga siyang paglaruan ng Diyos. Kakakita pa lang niya ng liwanag at pinatay na kaagad nito.
Marahan siyang bumuntong-hininga sa panlalait niya sa sarili. Naglakad siya papunta sa pinto para
magpahangin. Nang makarating siya sa pinto, may nakita siyang palapit sa kanya.
Gulat na gulat si Madeline nang makita niya ito.
Ito ay si Eloise.
Nang makita niya si Eloise, nakaramdam siya ng di malamang pagkagaan ng loob sa kanyang dibdib.
Kahit na ang relasyon nila ay medyo magulo dahil kay Meredith, magalang pa rin itong binati ni
Madeline. "Mrs. Montgomery."
Subalit nang makita ni Eloise si Madeline, nagdilim ang kanyang mukha. Iniangat niya ang kanyang
kamay at kaagad na sinampal si Madeline.
Nang makita ito ng lahat ng nasa opisina, tumakbo sila palabas para makita ang nangyari sa gulat.