Kabanata 84
Kabanata 84
Nang makita nito si Felipe na nakatayo kasama si Madeline, kaagad na nagkaroon ng lamig sa mga
mata ni Jeremy.
Tumingala siya upang tumingin at naramdaman ni Madeline na lumaktaw ang tibok ng kanyang puso.
Kahit na hindi ito ang lalaking minahal niya, sinasabi pa rin sa kanya ng katawan niya na hindi pa rin
siya makaalis sa anino nito.
"Jeremy?" Lumabas ng elevator sa gulat si Felipe. "Nandito ka ba para sunduin si Maddie?"
"Wala ka nang pake dun." Galit ang tono ni Jeremy. Tumingin siya sa mukha ni Madeline. "Bakit mo
ako binabaan ng linya?"
"Ikaw pala yung tumawag kay Maddie kanina lang?" Natatawang sinabi ni Felipe. "Biro pa ni Maddie Copyright Nôv/el/Dra/ma.Org.
na scam caller daw yun at ibinaba ang linya. Nag-away ba kayong dalawa?"
Pagkatapos niyang sabihin iyon, nakita ni Madeline na nagdilim ang mukha ni Jeremy.
Tinitigan siya nito. "Ano pang hinihintay mo? Tara na."
Sinabi ni Jeremy at hinablot niya ang kamay ni Madeline.
Taglamig na at napakalamig. Subalit nararamdaman ni Madeline na nagbabaga ang kamay ni Jeremy.
Maraming beses na niya itong pinagpantasyahan na hawak nito ang kamay niya habang tumatawid
noon. Subalit, hindi ang nakakapasong init na ito ang inaasam niya.
"Sasama na lang ako kay tito." Pumiglas si Madeline sa pagkakahawak ni Jeremy at lumapit kay
Felipe.
Naramdaman ni Jeremy na dumulas ang kamay niya mula sa kamay nito at nagulantang siya.
"Tito, pakiusap umalis na tayo."
Bahagyang kumunot ang noo ni Felipe. Makalipas ang dalawang segundo, tumango siya at tumingin
kay Jeremy. "Aalis na pala kami Jeremy. Maddie tara na."
"Okay." Sumagot si Madelime habang sumusunod kay Felipe.
Natakot siya na baka mag-alinlangan siya kapag pinatagal niya pa ito. Takot na takot siya na baka
sundin niya ang isang lalaki nang hindi nag-iisip.
"Madeline, sigurado ka bang hindi ka sasama sa akin?"
Bago siya makaalis, narinig niya ang tanong ni Jeremy.
Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang bag gamit ng dalawa niyang kamay. Tumusok ang mga kuko
niya sa kanyang palad.
Huminto siya at tumalikod. Nakita niya si Jeremy na nakatayo doon mag-isa. Nagmukhang malungkot
ang matangkad at mapayat nitong katawan.
Sibalit, nagsimulang sumakit ang mga sugat niya sa katawan. Pakiramdam niya parang isang milyong
insekto ang kumakagat sa balat niya.
Ang sakit na ito ang dahilan kaya nasabi niya, "Sigurado ako."
Walang alinlangang sinabi ni Madeline. Pagkatapos niyang sabihin ito, mabilis siyang humabol kay
Felipe.
…
Sa sandaling nakarating si Madeline at Felipe sa Whitman Manor, nakarating na din si Jeremy.
Sa sandaling huminto ang kotse, mabilis siyang naglakad palapit kay Madeline at ibinalot ang kanyang
mahahabang biyas sa maliit at mapayat na katawan ni Madeline. Napakahigpit ng hawak niya sa
kamay nito at di ito makatakas sa pagkakahawak niya.
Nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ni Madeline. "Jeremy, anong ginagawa mo?"
"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko?" Tanong ni Jeremy. Ang malalim niyang mga mata ay nakatitig
nang diretso kay Madeline. "Inaasam ni Lolo na makita tayong dalawa na naglalambingan. Ayaw mo
ba siyang pasayahin?"
"..." Walang masabi si Madeline. Para mapasaya si lolo, handa siyang paigihin ang relasyon niya kay
Jeremy. Subalit… "Di mo ako kailangang hawakan nang sobrang higpit."
Nang makita ito ni Felipe, sinabi niya, "Jeremy, kahit na magkaaway kayo ni Maddie, di mo kailangang
gawin ito. Di mo ba napapansin na sobrang naiilang si Maddie?"
Humagikhik nang mababa si Jeremy. "Paano mo nalalaman kung naiilang ba o hindi ang asawa ko?
May pambihira kayong relasyon na dalawa."
May dalawang kahulugan ang mga sinabi niya. Yumuko siya at nakitang naiilang si Madeline na
mahawakan niya. Naramdaman niya ang galit sa kanyang dibdib. "Sa pagitan naming dalawa ito.
Huwag kang mangialam sa amin."
Sinabi ito ni Jeremy at pumasok habang hawak si Madeline.
Naiilang na tinignan ni Madeline si Felipe. Wala siyang magawa kundi hayaan si Jeremy.
Isa itong family dinner ngunit nasa hapag kainan din si Meredith at hindi tinatago ang kanyang
presensya. Sa kabilang banda, nasa loob ng kanyang kwarto ang old master at hindi bumaba dahil
masama ang pakiramda nito.