Chapter 20: Hotel Room
Aleighn's POV
Lumipas ang maghapon bago kami tuluyang gumayak ni sir Craige patungo ng airport kung saan pupunta nga siya ng Cebu para sa business trip niya na kasama ako, ewan ko ba kung bakit palagi akong kasama sa mga lakad niyang ganito gayong hindi niya naman ako secretary at wala naman akong karanasan sa pagta trabaho gaya ng trabahong meron ang mga nasa corporate world.
Bago kami tuluyang umalis ay nasa opisina niya lang ako buong araw para ayusin ang mga papeles daw na kailangan niya, na dapat ay ang sekretarya niyang masungit ang nagawa.
Pag sapit ng hapon ay dumating si Liza para ihatid nga ang mga gamit kong pinasuyo ko sakanyang kunin sa bahay ni Aling Choleng, na ayon sakanya ay nakahanda na raw ang mga iyon ng dumating siya, malamang ay hinanda agad ninaling Choleng ng magoa dala ako ng text message kaninang umaga sakanya, tumawag nalang ulit ako sa matanda para sabihin ang dahilan ng pag alis ko ng biglaan papunta sa kung saang lugar na si sir Craige ang kasama. Hindi ko nakausap ang anak ko para sana magpa alam kaya lang ay tulog daw ito, kaya minabuti kong si Aling Choleng nalang muna ang mag sabi kung bakit ilang araw akong mawawala at hindi makaka uwi
Simula ng dumating kami ng airport at maka sakay ng eroplano ay hindi kami nagkiki buan ni sir Craige bagay na mas mabuti para sa aming dalawa.
Magkatabi kaming dalawa sa eroplano kung saan si sir Craige ang malapit sa bandang bintana habang ako naman ay sa kabilang gilid niya, hindi ako nagalaw mula ng umupo ako dahil bukod sa ito ang unang beses ko na makasakay ng eroplano hindi ako komportable na katabi ko si sir Craige na medyo malapit sa akin
Sa loob ng isang oras mahigit na biyahe ay nanatili akong tahimik at hindi nakibo habang si sir Craige naman ay busy sa kakatipa sa kalong niyang laptop, ng makalapag ang eroplano ay agad kaming kumilos para sa pagbaba at ng tuluyan kaming makababa ay may isang sasakyan agad ang sumalubong sa amin upang ihatid kami sa hotel kung saan malamang ay tutuloy kami ng pansamamtala
"Sir here's the key to you're room," nakangiting untag ng hotel receptionist na sumalubong sa amin pag pasok sa mismong tanggapan ng hotel
Diretso lang na nagtungo sa elevator si sir Craige kaya naman tahimik pa rin akong naka sunod sa likuran niya, pinag samang pagod at gutom ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sa totoo lang naalala kong bukod sa almusal kong pandesal at kape ay hindi na pala ako ulit naka kain, hindi ko rin nagawang kumain kanina sa opisina ni sir Craige dahil ang sabi niya nga ay tapusin ko ang mga pinapa gawa niya, hindi ko naman inaasahan na didiretso agad kaming airport pagkatapos niyang makipag meeting.
Napapatanong na tuloy ako sa sarili ko kung katulong pa ba ang turing niya sa akin o yaya niya dahil dahil lahat malang ay iniuutos niya sa akin
Huminto at bumukas ang elevator ng makarating kami sa fifteen floor, agad na lumabas si sir Craige na agad ko ring sinundan ng pumasok siya sa unang kuwartong natapatan niya
"Sir Craige saan ang kuwarto ko?" takhang tanong ko dahil wala man lang siyang sinabi sa akin kung saan ako pwedeng tumuloy
"Dito ka sa labas ako sa kuwarto!" salubong na kilay niyang untag
Tahimik naman akong nag masid sa kuwartong inookopa ni sir Craige kung saan kami tutuloy daw, malaki naman ang salas at nasisiguro kong magiging komportable naman ako sa sofa, pero ano kaya ang nasa isip ni sir Craige sa mga oras na ito at ano kaya ang gagawin ko dito, hays wag naman sana niya akong kawawain dito
"Pakipasok ng mga gamit ko sa kuwarto maliligo ako," walang emosyon niyang untag na pumutol sa pagmamasid ko sa buong paligid
Agad ko naman sinunod ang utos niya at ng mailagay ko lahat ng bagahe niya sa loob ng kuwarto ay agad akong lumabas, nag desisyon din akong maligo ng sa ganoon ay maging presko ang pakiramdam ko mula sa maghapong pagod na naramdaman ko
Sa loob na ako ng banyo nag bihis dahil baka biglaang lumabas si sir Craige mula sa kuwarto niya at baka ano na namang isipin sa akin, masyado pa man din siyang mapang husga. Habang nagbi bihis ako ay unti unti kong nararamdaman ang gutom, gutom na alam kong kailangang solusyunan ng pagkain pero hindi ko alam kung paano ako kakain dahil sa totoo lang ay wala akong pera, asa namang pakainin ako ng libre ng mabait kong amo eh halos lahat ng bagay tinuturing non na utang na loob sakanya basta galing sakanyaExclusive content from NôvelDrama.Org.
Saktong paglabas ko ng banyo ay siyang paglabas naman ni sir Craige sa kuwarto niya na bagong paligo at iba na ang suot na damit, tamang white vneck shirt, khaki shorts at two strap sandals na talaga namang ang gwapo niyang tignan sa mga oras na ito
"I'm going out wag kang aalis dito," walang buhay niyang untag
"Hindi ba tayo kakain sir Craige?" tanong ko noong akmang bubuksan niya na ang pintuan
"Ako kakain ikaw bahala ka sa buhay mo!" nakangisi niyang untag bago tuluyang lumabas at iwan akong mag isa sa kuwartong tuluyan namin
Sinubukan ko pa sana siyang habulin kaya lang ay mabilis na sumakay ng elevator ang amo kong papalit sa trono ni Lucifer, malamang ay sinama niya lang ako para tratuhin ng ganito
Minabuti kong kalkalin ang gamit ko at baka sakali ay may naiwan pa akong pera kahit papano, kaya lang ay tanging isang daang piso lang talaga ang nasa loob ng wallet ko, sigurado naman ako na walang mabibiling pagkain sa halaga na meron ako.
Minabuti kong matulog nalang at tiisin ang gutom na nararamdaman wala naman akong choice eh, kahit lumabas ako wala akong makikitang pagkain para maibsan ang gutom ko. Napaka walang puso ni sir Craige matapos akong alilain sa opisina niya at dalhin sa lugar na ito ay hindi man lang maisip na pakainin ako, ayos lang sanang pagod ako wag lang gutom, anong akala niya sa akin hindi nakakaramdam napaka walang hiya.
Ang hirap makisama sa taong gaya ni sir Craige pero wala akong choice may utang na loob ako sakanya, isa pa para naman ito sa anak ko kaya mag titiis nalang ako iisipin ko nalang na itong paghihirap na dinadanas ko ngayon ay mga bagay na pwede ko ring danasin dahil nag iipon ako para maipa gamot ang anak ko
Wala akong choice dahil mukhang matagal akong makikisama kay sir Craige at magbabayad ng utang na loob sakanya