Chapter 22:Gutom (2)
CHAPTER 22 Aleighn's POV
Pag alis ko ng restaurant kung saan ako iniwan ni sir Craige the second Lucifer ay minabuti kong mag ikot ikot at maghanap ng paraan para maka kain ako, alam kong hindi nakakamatay ang gutom pero parang any moment ay mabubuwal na ako sa hilong nararamdaman ko. Sa tanang buhay ko ay hindi ko talaga inaasahan na dadanasin kong magtiis ng sobrang gutom, kaya naman imbes na mag reklamo at magmukmok dahil nagugutom na ako ay nag desisyon akong sa palengkeng malapit mag tungo.
Sa kakalakad at kakaikot ko sa palengke kung saan ako na padpad ay nakatagpo ako ng matandang babae na mag isang nagtitinda ng mga isda, minabuti ko siyang lapitan at alukin ng kaonting tulong kapalit ng pambili ng pagkain "Nay tulungan kita kahit pambili lang ng pagkain ang bayad ayos na ho ako," nakangiti kong untagbsakanya mg lapitan ko siya
"Ay nakow hija kaganda mong babae'y maghahawak ka ng isda hindi ka bagay rito!" pasigaw niyang untag dahil maingay sa lugar
"Ayos lang Nay kaya ko naman ho, nawala kasi ang wallet ko at wala po akong pera, kaya hayaan niyo akong tulungan ka kapalit ng pambili ng pagkain ngayong araw," nakangiti ko pa ring untag sakanya
Ayaw niyang pumayag noong una pero sa huli ay sumuko rin siya, sinabi ko kasing nagugutom na talaga ako kaya naman napapa payag ko. Tinanong niya ako kung may kasama ako sinabi ko nalang na wala at papunta palang dito ang kaibigan ko para tulungan ako, ayoko namang sabihan ang totoong dahilan, baka anong masabi ng matanda tungkol kay sir Craige sakaling sabihin ko na ag amo ko ay sinama lang naman ako sa lugar na ito para pahirapan sa gutom na akala mo ay pinag pepenetensya ako
Masasabi kong maraming mamimili sa palengkeng ito dahil dito sa mga sariwa at naglalakihang isda na karamihan ay mga turista ang mamimili, maraming customer si Nanay na tinulungan ko kaya naman halos tuwang tuwa siya dahil dumating raw ako para tulungan siya. Yung plano kong sandali na pagtulong sa matanda ay inabot ng hapon dahil kapwa hindi namin namalayan ang oras sa dami ng bumibili.
Ako ang naging taga timbang at taga balot ng mga binibili habang si Nanay naman ang naglilinis ng mga isda na aniya'y swerte daw ako sakanya, dahil himsi naman daw dinadagsa ang pwesto niya. Nang sumapit ang ala sais ng hapon ay tinulungan ko na rin ang matanda na linisin ang pwesto niya at iligpit ang mga gamit niya, nag alok ako sakanya ng tulong na pwede ko siyang samahan pauwi na agad niyang tinanggihan dahi dumating na ang apong niya galing pa ng eskwelahanContent protected by Nôv/el(D)rama.Org.
Binayaran ako ng matanda aa halagang dalawang libong piso para sa isang araw daw na tulong ko sakanya, para sa akin ay sobrang lako ng bayad na binigay niya kaya paulit ulit akong tumanggi, kaya lang ayon sakanya ay ang kinita niya ngayong araw ay kita niya sa loob ng tatlong araw, kaya daw bilang pasalamat ayun ang binayad niya sa akin
Nagtungo na muna ako sa kabilang banda ng palengke kung saan maraming mga street foods ang tinitinda na siyang kinatuwa ko dahil sa ganoong pagkain lang ay masaya na ako, nagpa ka busog muna ako at bumili ng pwedeng dalhin sa hotel room namin para kinabukasan sa almusal ay may makain ako pagtapos noon ay nag desisyon na akong bumalik sa hotel kung saan ako natuloy kasama si Craige the second Lucifer
Naglakad lang ako pabalik ng hotel dahil wala naman gaanong nadaan na mga sasakyan papunta doon sa hotel, masaya akong lumabas ng elevator ng bumukas ito dahil takaga namang nabusog ako pagtapos ng sobra sobra kong pagti tiis sa gutom, agad naman akong nagtungo sa pintuan ng kuwartong tuluyan namin at ganoon nalang ang gulat ko ng mabungaran ko si sir Craige na nanlilisik ang mga mata sa galit na akala mo'y anumang oras ay handang pumatay dahil sa mga tingin niyang ipinu pukol sa akim
"Hello sir pagkain po," nakangiti kong untag sabay pakita sa dala kong pagkain, pero mabilis niya iyong hinila at hinagis nalang basta kasabay ng pag hila sa akin papasok ng tuluyan sa loob ng hotel room namin na siyang kinagulat ko "Saan ka galing na babae ka bakit buong araw kang wala at hindi mo pa talaga sinunod ang pinagawa ko sayo!" galit niya talagang bulyaw sa akin "Humanap ng paraan para maka kain sir, dinalhan oa nga kita pero ayun oh hinagis mo," kalmado kong untag sabay turo sa pagkain na hinagis niya
"Hanggang dito ba naman dala mo ang ugali mo na kunwari mahinhin, pero ang totoo naghahanap ng ibang lalaki!" bulyaw niya ulit sabay kulong sa akin sa pader gamit ang mga braso
"Sir isang araw ho halos ako walang kain at ayaw mo akong pakainin, humanap ako ng paraan dahil ayiko namang mamatay na gutom ang dahilan," kalmado ko pa rin nasabi pero sa totoo lang naiiyak na ako
Halos dalawang araw ang tiniis kong gutom at pagod ako buing araw dahil sa pag tulong sa matanda sa palengke kaya pakiramdam ko ano mang oras ay iiyak ako sa harapan ng lalakong ito, ayoko sa lahat palagi akong pinagmumukhang mababang tao eh
"Humanap ka ng lalaki dito na babayaran ka sa serbisyo mo para may pambili ka ng pagkain tama ba?!" galit pero naka ngisi niyang untag na tanong sa akin
"Ano bang problema mo sir bakit palaging ang tingin mo sa akin at babaeng bayarin, dahil nakita mo akong nagta trabaho sa bar at minsang naging escort girl huh? Sir ayaw mo akong pakainin halos kaya gumawa ako ng paraan mula sa sarili ko, nag tindera ako sa palengke sa lugar na ito kung saan wala akong alam dahil sa totoo lang gutom na gutom ako mula kahapon pa! Sir hindi komo amo kita at may utang na loob ako sayo dahil sa pagpa pagamot mo kay Ravi ay ita trato mo ako ng ganito, okay na nga sa akin na lagi mo akong ina alila ng sobra pero pwede ba sir, wag mo ako palaging hinuhusgahan na isa akong bayarang babae na akala mo alam mo ang kwento ng buhay ko.
Kung bayarang babae ako umpisa palang hinayaan na kitang bastusin ako doon palang sa bar bago ma ospital yung anak ko, kaya lang ay hindi nandito ako nagtitiis sa ugali mong hindi ko alam bakit may kagaya mo!" mahabang untag ko sakanya habang nagpipigil ng luha
Bahagya ko siyang tinulak para makawala ako sa pagkaka kulong niya sa akin sa mga braso niya sa pader, naitulak ko naman siya kaya agad akong naka iwas sakanya
"Eto yung perang kinita ko doon sa matandang babae bilang tindera sir Craige," abot ko sakanya ng pera mula sa bulsi ng suot kong pantalon
Hindi pa ako nakuntento hinubad ko amg white longsleeve na suot ko mula kaninang umaga saka hinagis sa mismong mukha niya, wala akong pakialam kung naiwan akong naka bra lang sa harapan niya, naiinis ako sa mga oras na ito at pakiramdam ko ay gusto ko siyang saktan
"Ayan sir amoy malansa yang damit ko may mga dugo at kaliskis pa yan ng isda, siguro sapat ng pruweba yan sayo na hindi ako nagpa bayad sa ibang lalaki para lang maka kain. Kung bayaran ako Sir hindi ako magpa pakahirap na ikaw ang kasama, ano mang iras ay nagpa galaw na ako sayo noon palang kung bayaran akong babae hindi dapat ako magpapaliwanag sa taong tulad mo pero para patunay sayong hindi man ako katinuang babae may respeto pa rin naman ako sa pagkatao ko!" untag sabay talikod sakanya para pulutin ang mga street foods na binili ko para dalhin dito sa hotel room namin at ipatikim sakanya
"Sinayang mo pa yung pagkain palibhasa mayaman ka! Yung anak ko ganito lang ang pagkain masaya na," untag ko sabay lapag ng mga napulot kong pagkain sa ibabaw ng dining table na nandito sa loob ng hotel room namin Pagtapos kong magpulot ng pagkain ay nilingon ko siya at nakita kong nakatayo pa rin siya habang masama ang tingin sa akin, madami akong gustong sabihin sakanya pero minabuti kong dumiretso nalang sa banyo para maligo at makapag pahinga na
Alam kong malaki ang utang na meron ako sakanya kung sa pera ang basehan pero alam kong mas malaki ang utang na loob ko kay sir Craige, kaya dapat handa akong harapin ang ugali niyang hindi ko mawari kung bakit ganoon siya Magtitiis nalang din ako para sa anak ko, kaya ko ito dahil para sakanya ang ginagawa ko