Chapter 27: Kabanata 26
Chapter 27: Kabanata 26
Kabanata 26:
Versus
_____________
Kaleb
"Anong ginagawa ng lapastangan na yan dito sa palasyo?!"
Napapitlag si Clarity dahil sa sigaw ni Tita Estrella. Hinawakan ko ng mahigpit ang pulsuhan ni Clarity
at hinapit ko siya palapit sa akin.
"Dito siya nararapat, Estrella."
Lumingon kaming dalawa ni Clarity sa nagsalita at nakita namin si Ina. Tinignan ko ang reaksiyon ni
Clarity at maluha-luha siya.
"M-mama..."
Nagawi ang atensiyon ni Ina kay Clarity pero tinuon niya ulit ang atensiyon kay Tita Estrella, "Huwag
na huwag mong sisigawan ang aking anak, Estrella. Wala kang karapatan!"
Padabog na umalis si Tita Estrella kaya naman lumapit na sa amin si Ina. She cupped the face of
Clarity then they hugged each other. Humihikbi si Clarity kaya hinagod ni Ina ang kaniyang likod.
Umalis na ako sa kinatatayuan ko at lumabas ng palasyo. Pumunta ako sa paborito kong lugar at
naglabas ng cihfril. Humithit agad ako pagkalabas ko noon. Têxt © NôvelDrama.Org.
"Kuya Kaleb, anong ginagawa ng Luna dito sa palasyo?"
Tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Leewier kasama si Kley. Umupo silang dalawa sa pagitan ko.
Kumuha si Kley ng cihfril sa bulsa ko at binuksan iyon. Akmang kukuha rin si Leewier ng tapikin ni Kley
ang kamay niya.
"Inutusan ako ni Ama, wala akong karapatang suwayin siya."
"May posibilidad bang magkita sila ni Kuya?"
Lumingon ako kay Leewier at tumango, "Oo."
"Paano naman si Sarfie?"
"How about her, Kley? She can handle herself now. Kung tutuusin ay mas malakas pa siya kay Clarity,
why bother?"
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang kamay ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nagtagpo
ang landas nilang dalawa. May posibilidad na mamatay si Clarity kung gagamitin ni Sarfie ang
kapangyarihan niya.
"Yeah, you have a point Kuya Kaleb... Pero paano naman si Clarity?"
Napalingon kaming dalawa ni Leewier kay Kley ng bigla siyang tumayo. Nilingon niya muna kami saglit
bago siya naglakad palayo. Tinignan ko si Leewier at nagkibit-balikat lang siya.
Ayaw talagang pag-usapan ni Kley ang kapatid ko.
"Hey!"
Nilingon ko si Leewier ng hampasin niya ako, "Anong problema mo bubwit?"
"Yaaahh! I'm not bubwit kaya! Prigsana!"
Pinaghahampas niya naman ako kaya sinasalag ko nalang iyon. Ang isip bata talaga. Eventhough
she's the Delta here, she's still immature.
"Kuya kase, paano na nga si Clarity kapag nagtagpo ang landas nila ni ate Sarfie? We both know na
mag-aaway lang sila, diba? Ano nang gagawin natin? Kahit naman sinaktan ni ate Clarity si Kuya,
napalapit na ang loob ko sa kanya. Ayokong may mangyaring masama sa kanya, so, what are we
going to do?"
Ano nga bang gagawin ko kapag nakita kong nahihirapan na ang kapatid ko? Napalingon ako kay
Leewier ng may sumagi sa isipan ko, "We need to teach her how to defend herself and also how to use
her own power."
____________
Clarity
Pumunta ako dito sa labas ng hardin pagkatapos naming mag-usap ni mama. Napangiti nalang ako sa
kawalan ng maalala ko ang pinag-usapan naming dalawa kanina.
*Flashback*
"Ma, I thought you're dead."
"I'm not. Nandito lang kaming dalawa ng iyong ama para magtago sa pamilya ng mga Drekys..."
"H-huh? You mean, yung boss ko?" She nods.
Napaisip ako dahil sa sinabi ni mama. Bakit sila nagtatago sa pamilya ng boss ko? Ano bang kailangan
ng boss ko kayla mama?
"Bakit kayo nagtatago sa kanila, mama?"
She sighed, "Gusto nila kaming dakipin ng iyong ama para mapunta na talaga sa kanila ang Vleryt
Dynasty... Sa ngayon, pansamantalang sa kanila iyon dahil hindi pa kami patay ng iyong ama."
Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni mama. Papatayin ng boss ko ang mga magulang ko?! Anong
karapatan niya?!
"They need to kill your father first before me. Why? Because your father is more powerful than me.
Kapag napatay nila ang iyong ama, ano nalang gagawin ko?"
"Mama, kung ako nalang po kaya ang makipaglaban sa kanila?"
Iniling ni mama ang kaniyang ulo bago hawakan ang balikat ko, "You don't need to. Wala ka pang alam
sa dinastiyang iyon. Hindi mo alam kung anong kaya nilang gawin sa'yo."
"Pwede naman po akong matuto dito, diba?"
"Yeah. Pero hindi kita papayagang makipaglaban sa mga Drekys. Ipinadala ka dito ng iyong ama para
ayusin ang problema niyo ng alpha."
"You mean, si Kier?"
"Absolutely. Alam kong kaya mong gawin iyon because you're my daughter. Kung anong kaya kong
gawin, ganun rin ang kaya mo. I trust you, Clarity. Hindi na tayo magkakalayo pa. I love you."
*End of Flashback*
Ngayong magkakasama na kami nila mama, wala na akong hihilingin pa. Si Kier nalang ang kulang,
tapos na ang problema ko. Akmang tatayo na ako sa kinauupuan ko ng may magsalita sa likuran ko.
"Anong ginagawa ng isang Clarity Fuentabella dito sa palasyo ko?"
Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilingon ang nagsalita, "S-sarfie..."
"Ohh? Kilala mo pa pala ako? Anong ginagawa mo dito? Balak mong guluhin kaming dalawa ni Kier?
Huh? In your dreams, kasal na kaming dalawa."
Pinakita niya sa akin ang daliri niya at nakita kong may singsing doon. Kaparehong-kapareho ng
singsing na binigay sa akin ni Kier nong mga panahong akin pa siya.
"That's mine..."
"What are you saying?! Pinagawa namin 'to sa mga Brejik kaya paano magiging sa'yo?! Are you
insane? Or just desperate?"
Tumawa pa siya ng bahagya kaya kumulo ang dugo ko, "Drímaf lyúrà sipêntrim húlsó!"
Napahawak ako sa bibig ko ng may mga salitang lumabas doon. What the? Tinignan ko ang reaksiyon
ni Sarfie at nanlaki ang mga mata niya dahil doon.
"What did you say?"
"I d-dont know."
Lumapit ng lumapit sa akin si Sarfie kaya umatras naman ako. Hinigit niya ang kamay ko at mabilis na
sinampal kaya napahawak ako sa parteng sinampal niya, "How could you?! Anong karapatan mo para
sabihin sa akin iyon?!"
Nang bitawan niya ako ay yun naman ang pagka-upo ko sa damuhan. Hinawakan ko ang pisngi ko at
may nakita akong dugo doon. Ohhh---?!
Nilingon ko si Sarfie at tinitigan ko siya ng masama. Bigla siyang pumikit at naalarma ako ng mag-iba
siyang anyo. Black Wolf. Umatras ako ng umatras ng titigan niya ako ng masama. Blue eyes.
"S-sarfie..."
"Krowwwrrr!"
Napahawak ako sa pisngi ko ng kalmutin ako doon ni Sarfie. Napapikit nalang ako dahil sa sakit.
Parang nilalason ako ng kalmot niya.
"Arghhh!"
Pilit kong tinatanggal ang pagkaka-kagat sa akin ni Sarfie sa braso ngunit bigo ako. Masyado siyang
malakas para sa ordinaryong nilalang na katulad ko.
"Damn it! Get off me! You crazy bitch!"
Pinukpok ko ng dala kong bag ang ulo niya pero parang wala lang nangyari. Dahan-dahang inangat ni
Sarfie ang ulo niya at bumuga siya ng apoy sa tagiliran ko kaya napaso ang balikat ko.
"Ba't mo ba ako sinasaktan?! Ano ba ang sinabi ko sa'yo?!"
Her claws are very sharp to the point na malapit niya ng mahiwa ang tiyan ko ng napahiga ako sa
damuhan. Fuck! Ang hapdi ng mga kalmot niya!
"Do you want to play Clarity? Okay, lets play."
Napapikit nalang ako ng dahan-dahang ibinuka ni Sarfie ang bunganga niya. Okay! Bye head---
"Sarfie!"
Nagmulat ako ng mata at nakakita ako ng babaeng nasa taas ng puno ng Narra. Nakasuot siya ng itim
na bestida habang may hawak na wait--- espada?!
Lumingon rin si Sarfie doon sa babae at nagkaroon ako ng tiyansang umalis sa pagkakahiga ko at
tumakbo. Nilingon ko muna silang dalawa at naabutan kong walang malay si Sarfie habang yung
babae ay nakatingin lang sa akin.
Pinagpatuloy ko na ang pagtakbo ko at hindi ininda ang mga sugat na natamo ko kay Sarfie. Kung sino
man ang tumulong sa akin, salamat sa kanya.