CHAPTER 9: Cafeteria
(Prince)
Na-curious ako sa transferee student ng department namin. There something in her. When I saw her in front of our department door I thought she's lost. Noong una nga akala ko isa siyang totoy/bagito dahil maliit siya at panlalake ang suot niya tapos nakasuot pa ng sumbrero. But I'm wrong, isa pala siyang babae. Nakaramdam ako ng kakaiba ng hindi sinasadyang nagkasabay kami sa paghawak ng doorknob. Nang lumapat ang palad nito sa likod ng kamay ko, hindi ko alam pero may heart started to skip a beat, the same feeling when I'm with the girl in the music room.
Hindi ko mapigilan na titigan si Patty mula dito sa likod. Nakakapanibago nga na close sila ni Renz, agad. Knowing Renz hindi yan lumalapit sa mga babae, suplado yan, sobrang suplado pagdating sa mga babae pero ngayon iba ang mga tingin niya kay Patty.
"Get ready for a quiz tomorrow, okay?"
"Yes Sir."
Wala man lang akong naintindihan sa nai-discuss ng prof. namin dahil sa kakatingin kay Patty. Masyado yata akong naging occupied sa pag-iisip. Napabuntong hininga ako.
"Patty!" narinig kong sigaw ng kung sino mula sa labas nitong music room. Napakunot noo ako at inilapag ang gitara sa tabi ng inuupuan ko. Bakit naririto si Patty? Nagmadali akong lumapit sa pinto at lumabas pero wala naman akong nakita ni anino ni Patty.
"Guni-guni ko lang ba 'yun?" napapailing na pumasok akong muli sa loob ng music room. Araw araw pumupunta ako dito. Same time noong nakasama ko si mystery girl pero wala hindi ko na siya naaabutan or sadyang hindi na siya pumupunta dito. Alin man sa dalawa parehong lungkot ang nararamdaman ko.
"Iniisip ko ba na si Patty si mystery girl? Kaya ba pati pangalan niya naririnig ko na kung saan." ipinilig ko ang aking ulo at umupong muli sa inuupuan ko kanina katabi ng gitara ko. "Nababaliw na ako. Hindi pa ako sigurado pero itinatatak ko na sa isip ko na si Patty nga ang hinahanap ko." tiningnan ko ang gitara ko kinuha iyon at nag-strum muli.
Mula ng unang araw na nakita ko si Patty I have this feeling a strange feeling na parang kilala ko siya. Pero paano? Saan? At kailan 'yun? Parang iisa lang si Patty at si mystery girl pero wala naman akong pruweba. When I accidentally touch her hand the first day sa pinto ng department namin, I felt weird, parang nakuryente ako katulad ng naramdaman ko sa loob ng music room habang kasama ko si mystery girl at nakakulong sa mga bisig ko. Pareho iyon ng naramdaman ko kay Patty sigurado ako. I knew her smell and I'll never forget that kaya naman baka si Patty si mystery girl na hinahanap ko. Even her hair kahit noong una pa lang na nakatago ito sa sumbrero niya tanda ko ang pamilyar na amoy no'n. Pero the next day hindi na iyon ang pabango niya pero yung sa buhok iyon pa rin. Mali lang ba ako? Naguguluhan na tuloy ako. Ang daming naghahabol sa'kin na mga babae, pero yung babaeng hinahabol ko hindi ko alam kung paano ko sisimulang habulin.
Araw araw lagi ko siyang pinagmamasdan I want to know if she is the mystery girl that I met. Pinakikinggan kong mabuti ang boses niya tuwing magsasalita siya at ikino-connect ko sa boses ng babae na narinig kong kumanta sa music room pero hindi, parang iba. At nang sininok siya doon ako nakasigurado na siya nga si mystery girl, I just need to prove it. Hindi ko naiwasan na ngumiti ng mga oras na 'yun dahil sa wakas nahanap ko na siya pero ayoko siyang biglain. I need more time para mapatunayan na tama ang hinala ko.
"Ang cute niya tuwing sisinukin siya." hindi ko mapigilan na ngumiti ulit sa naaalala na itsura niya noong muntik na siyang matumba dahil sa gulat kay Niko pero buti nasa likuran niya lang ako at nasalo ko siya. Nakapikit siya noong mga oras na 'yun kaya naman hindi ko mapigilan na pagmasdan siya at mapangiti. That feeling na ang lambot ng balat niya habang nasa bisig ko siya lahat yun pareho sila ni mystery girl. Nagsalita na ako dahil baka hindi ako makapagpigil baka mahalikan ko pa siya sa sobrang cute niya. Sobrang gulat ang nakarehistro sa mukha niya ng makita ako. And because of the memory of that kiss mas lalong gusto kong mapatunayan na siya nga ang babaeng hinahanap ko. Ang ipinagtataka ko lang bakit niya itinatago sa'kin? Bakit ayaw niya ipaalam sa'kin kung sino siya. That time na tinanong ko siya kung anong pangalan niya tinakbuhan niya ako kaya naman hindi ko nalaman kung sino siya maging ang itsura niya hindi ko nakita dahil tinakpan niya ito ng panyo.
Inilabas ko ang panyo na kulay lavender sa bulsa ko. Lagi ko itong dala kahit saan ako magpunta. Nakuha ko ito malapit sa gate nung araw na na-meet ko si mystery girl. Alam ko sa kanya ito kasi ito yung panyo na ginamit niya pantakip sa mukha niya. Inamoy ko ito at naroroon pa rin ang amoy niya. Sa pinakadulo ng panyo may nakaburdang letter 'P'. Napangiti na naman ako "Patty". Bigla napatingin ako sa gitara ko at hinanap doon ang Initial ko. Pareho kami letter P. Tumunog ang cellphone ko kaya naman nalipat doon ang atensiyon ko. Tumatawag pala si Niko. "Ano kaya ang kailangan nito?"
(Oh! Ba't napatawag ka?)
(Sungit mo naman, meron ka ba?) napa-rolleyes ako sa sinabi niya.
(Ano ba kasi 'yun?) inip na tanong ko ulit.
(Punta ka dito sa cafeteria.)
(At anong ginagawa niyo d'yan? Ang alam ko si Renz lang ang kumakain sa cafeteria.)
(Nagkayayaan kasi nandito si Cutie pie.) biglang napatuwid ako sa kinauupuan ko, parang nabadtrip ako. Napasimangot ako sa sinabi niya. Bakit kasama ng mga mokong na 'yun si Patty.
(Bakit, biglaan? Anong ginagawa niyo d'yan?)
(Basta punta ka na lang. Dito ko sasabihin. Bilisan mo.)
(Pass.)
(Saka mo na lang gawin yan, dude, kung ano man ang gagawin mo. Kanina pa nila iniinterview si Cutie pie.)
Ilang segundo akong natahimik.
(Ano dude punta ka? ) hindi ako makapag desisyon kung pupunta or hindi na lang.
(Gutom na gutom si Cutie pie oh.) narinig kong sabi ni Niko sa kabilang linya. Ewan ko ba pero automatic nagsimulang humakbang ang mga paa ako, parang may sariling isip at dali daling lumabas ng music room. (Sige, papunta na ako. ) pagkasabi ko no'n ay agad na i-nend ang tawag.
Nakita ko sa entrance si Niko. Napabuntong hininga ako dahil panigurado ang dami na namang tao sa loob.
"Lalim naman dude. Let's go kakain." sabi ni Niko at umakbay sa'kin. "Bakit? Araw araw ka ng hindi sumasabay pag lunch sa'min."
"May importante lang akong ginagawa."
"Like? Wala pa naman tayong mga assignments or projects. Ang busy mo an agad."
"Bakit biglaan dito niyo gustong kumain?" tanong ko imbes na sagutin ang tanong nito.
"To celebrate at saka para i-welcome si Patty sa Zairin Department. You know napalitan niya si Vince. Ang galing niya diba."
"I see."
"Tara na Prince. Saka mo na lang gawin yang sinasabi mong gagawin mo." pamimilit ni Niko.
"Fine."
"Great!" anito saka masaya akong inakbayan muli at sabay kaming naglakad pumunta sa cafeteria dahil halos lahat ng Zairin naroroon na raw.
At first inisip kong katulad lang din si Patty ng lahat ng babae na pumasok sa department namin. Magsi-shift sa course namin para lang pala magpapansin sa mga lalakeng nagugustuhan nila in the end babagsak lang.
Sobra akong na-amaze sa naging reaction niya noong introduction niya pa lang sa department namin. It was pure, hindi niya alam na puro kami lalake. Totoo nga ba 'yung mga reaction niya or nagpapanggap lang siya? I really don't know pero ngayon unti unti akong naniniwala. Tama ang sinabi ni Niko ang galing niya, first quiz pa lang napalitan na niya si Vince as Rank 3, paano pa sa mga susunod?
Pagdating sa cafeteria nagkagulo ang mga kababaihan. Ito ang hindi ko gusto kaya naman mas pinili namin ni Lance na magpagawa ng room na para sa amin lang para doon makakain kami ng matiwasay. Si Niko at Vince okay lang naman sa kanila dito dahil mga babaero talaga yan. Gusto nila ang atensyon na natatanggap nila. Si Renz naman dahil sa pagkain. Bakit nga ba kasi ako pumunta? Sa aming mga Zairin iilan lang ang pumapasok dito madalas si Renz lang kasi ang sabi niya maraming pagpipilian na pagkain dito, siya lang naman matakaw sa'min. The rest bihira na pumunta kasi nga ganito ang nangyayare. Imbis kasi na makakain ka ng maayos at tahimik baka hindi ka pa matunawan dahil sa mga babae dito. Nakita ko naman agad ang kinaroroonan nila. Si Patty agad ang nakita ko pinupunasan siya ni Renz ng panyo sa gilid ng bibig. Napakunot noo ako sa nakikita. Napabilis ang lakad ko. Pero hindi pa man ako nakakalapit doon mas lumakas ang hiyawan ng mga tao kaya naman lahat sila sa'kin na nakatingin.
"Oh My Gosh! Naririto si Prince."
"Ang gwapo niya."
"Ang sarap sa paningin, naririto lahat ang buong Zairin."
"Kinikilig ako."
"Oh my God. Totoo nga, naririto nga si Prince."
"Shit! Kinikilig ako. Kumpleto ang Zairin Department."
"Hi Niko!" kinikilig na turan ng isang babae kasama ng iba pa nitong kaibigan.
"Hello." bati ni Niko sa halos lahat ng babae na madaanan namin.
Napabuntong hininga ako. Automatic napangiti ako ng makita na punong puno ang bibig ni Patty. Ang cute niya. Mukha talaga siyang manika lalo na dahil sa buhok niya. Ayoko man umasa pero iniisip ko na sana siya ang babae na nakasama ko sa music room.
Nakita ko kung paano siya abyarin ni Renz. Really? Anong nangyare kay Renz?
"Look, ang takaw pala ni Cutie pie." natatawang turan ni Niko saka mabilis bumitaw sa pagkaka-akbay sa'kin at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan nila Patty and the guys.
Bukol na bukol ang pisngi nito dahil siguro sa mga kinakain nito. Mabilis naman na inalis nito ang tingin sa'kin ng namumula ang mukha. Ang cute nito kapag ganyang nahihiya siya. Malapit na ako ng may mga brasong yumakap sa'kin. The spoiled brat Catherine again. Hindi niya ba talaga ako tatantanan?
"Hi my Prince." ngiting ngiti na aniya sa'kin at hinilig ang ulo sa dibdib ko.
Kung hindi lang masama manapak ng babae matagal ko ng nasapak 'to. Masyadong clingy akala mo boyfriend niya ako, to the point na nakakairita na. "Catherine not now, okay?"
"Dito ka na lang sa table namin maupo." itunuro nito ang table na kinaroroon din ng dalawa niyang laging kasama Tina and Cassey. "I will order whatever you want. My treat!" masiglang sabi pa nito habang medyo hinihila na ako papunta sa table nila.
"Some other time siguro Catherine pero hindi ngayon kasi hinihintay na ako ng mga ka-department ko." sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang pagkakahawak sa braso ko at tinuro ang table ng mga ka-department ko. Nakita kong sumimangot siya pero wala ng nagawa ng mabilis na umalis ako doon.
"Naririto na pala si Prince." anunsiyo ni Vince.
Nakita ko na napatingin si Patty sa gawi ko habang punong puno ang bibig pero mabilis na yumuko. Nakita ko kung paano napayuko si Patty at hindi magkandatuto kung paano ngunguyain ang pagkain. Hindi ko mapigilan matawa sa itsura niya. Ang cute niya talaga
"Dude ang gwapo mo naman. Pakiss naman ako." sabi ng loko lokong si Vince paglapit ko habang ginagaya ang mga boses ng mga babae kanina.
"Ewan ko sayo Vince." tumawa lang naman ito sa sinabi ko.
Just a heads up: NovelDrama.Org is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey! "Pareng Prince dito ka na lang sa upuan ko pinapatawag kasi ako ni Ms. Curtley sa office." sabi ni Luke na katapat ng upuan ni Patty.
"Bakit dude?" sabay sabay na tanong nila kay Luke. Hindi naman siya sumagot at nagkibit balikat lang.
Bakit siya biglang pinatawag ni Ms. curtley the old maid admin? E allergy 'yun sa department namin. Nakita ko naman na nanigas si Patty sa kinauupuan niya, maging ang pagkain na dapat isusubo niya natigil sa ere. Lihim na napangiti ako sa naging reaction nito. Nanlalake na naman ang mga mata nito habang nakanganga.
Seeing her like that reacting to my presence mas napapatunayan ko na siya nga si mystery girl. Napangiti ako, suddenly gusto ko siyang mas kilalanin pa.Please check at N/ôvel(D)rama.Org.
Nakita ko kung paano siya abyarin ni Renz. Really? Anong nangyare kay Renz?
"Are you okay Patty? Dahan dahan lang walang aagaw ng pagkain sa'yo." natatawang turan ni Renz sa dalaga.
"Anong nakakatawa Prince?"
"Wala lang."
Umupo ako katapat ng upuan ni Patty na hanggang ngayon nakatungo pa rin na ngumunguya. I can't help it. Para siyang rabbit ngumuya. Ang cute. "Umorder na si Jamed para sating lahat." usal ni Clark.
Nakita ko ang sandamakmak na pagkain na nasa harapan nila Renz at Patty. "Kanino ang mga pagkain na 'to? Ang dami? Sa'yo lang ba lahat yan Renz?" nagtatakang tanong ko pero bakit pa nga ba ako magtataka? Sa sobrang takaw ni Renz hindi malabong sa kanya lahat yan.
Natawa si Renz. At kitang kita ko kung paano namula si Patty at yumuko lalo.
"Hindi lang yan kay Renz, dude." - Luke
"Si Princess rin kayang ubusin lahat yan." - James
Sabay tawanan nila kasabay si Renz na mabining pinisil ang pisngi ni Renz. I don't know pero nainis ako bigla kay Renz sa ginawa niya. Kailan pa siya naging palangiti sa babae?
"H-hindi naman, s-sakto lang." nahihiyang singit ni Patty.
"Wag niyo na tutukan si Patty, nahihiya na siya. Hayaan niyo siya kumain ng marami." tatawa tawang biro ni Yuki.
"Pero seriously Pat-Pat saan mo nilalagay ang mga pagkain? Malaki din ba ang bodega ng katawan mo tulad nitong si pareng Renz? Pero ang payat mo naman." Lalong nahiya si Patty.
"Okay guyz, cut is out. Hayaan na nating makakain ng maayos si Patty."