Chapter 35
Farrah Nicolah's POV
"Hala! Sir, pasensya na po. Nabasa ko tuloy ang uniform mo." Nahihiyang humingi ako ng tawad kay Flynn ng makita kong nabasa ang suot niyang chef's uniform dahil sa mga luha ko.
"How are you feeling? Feeling better now?" Tanong niya sa'kin, hindi binibigyan nang pansin ang nabasa n'yang uniform.
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Hindi naman iyon gano'n kabasa. Pero bumakat pa rin ang mga tumulong luha ko sa may bandang dibdib ng kanyang uniform. At isa pa, masyadong nakakahiya talaga ang inakto ko! Dahil sa harapan niya pa talaga ako nag drama. Tsk! Yumuko ako at pinunasan ang luha ko sa pisngi.
"Ah, oo po. Thank you po sir at pasensya na po talaga." Ulit kong sabi nang hindi makatingin ng diretso sa kanya.
"Stop saying "po", Farrah. Andiyan na naman tayo, e." Narinig kong sabi niya na nagpatigil sa'kin.
Dahan dahan kong sinilip ang reaksyon niya at nakita kong nagsalubong ang dalawang makakapal niyang kilay. Parang hindi niya nagustuhan ang pag lalagay ko ng "po" sa mga sinasabi ko. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at saka ako tumango sa kanya.
"Ah, okay. Sorry, sir." Agap kong hingi ng tawad kay Flynn.
"Oh, come on, Farrah. Binasted mo lang ako parang nakalimutan mo na ang pinag-usapan natin dati ah?" Para siyang nanunuya, pero para din siyang naiirita habang sinasabi iyon.
Naguguluhan na man akong napatingin sa kanya, lalo na ng dahil sa sinabi niya. Ano ang ibig niyang sabihin do'n? Parang hindi ko naintindihan ang sinabi niya dahil ang salitang "binasted" lang ang mas naging klaro sa pandinig ko. "H-huh?" Maang kong tanong sa kanya.
"I said stop calling me 'SIR' dahil tayong dalawa lang naman ang nandito. And stop acting as if nothing has happened to us before." Walang prenong sabi niya.
Natigilan na naman ako. Kapagkuway napanguso na lang ako nang maintindihan ko na kung ano ang gusto niyang iparating sa'kin. "Eh, kasi naman e. Kahit papaano ay boss pa rin kita at employee mo pa rin ako." Depensa kong sagot sa kanya. At nang may maalala ako ay siya naman ngayon ang kinompronta ko. "At saka, ikaw nga 'tong umaakto na parang hindi mo ako kilala eh!"
Nagsalubong lalo ang kilay niya."Even so. I don't like it when you always says "po"and call me "sir". At anong umaakto na parang hindi kita kilala?"
Ang mukha ko naman na ang nalukot ngayon. "Bakit? Hindi ba? H'wag mong e deny dahil alam ko! Alam kong linalayuan mo na naman ako, Flynn! Alam ko 'yon dahil pagkatapos nong nangyari sa atin sa isla n'yo ay hindi ka na nagpapakita sa'kin." Para akong nagmamaktol sa harapan niya."At hindi mo na rin ako kinakausap!" Dagdag ko pa.
"Then, what would you expect me to do, Farrah? Do you think it would be easy for me to see you and talk to you after everything that you told me during that day?"
"E, akala ko ba rerespetuhin mo ang magiging desisyon ko, kahit ano pa man 'yon?"
"Exactly... That is why I am doing this because I respect your decision. Kung ayaw mo sa'kin then I will whole heartedly get out of your way, kahit hindi iyon madali para sa'kin, gagawin ko pa rin. I will not force you to like me back and I will never disturb you again. It's just that I can't help it earlier... Hindi ko lang talaga makayanan na nakikita kang umiiyak, kaya hindi ko napigilang lumapit sa'yo. I am sorry if I butted in, though." Seryoso niyang sabi at bumuntong-hininga. "Don't worry. If you are okay now, then, I'll just go out of here already."
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang bigat ng mga sinabi niya. Hindi naman gano'n ang ibig kong sabihin e. Pero, siguro nga naging selfish ako. Dahil 'yong sariling kapakanan at damdamin ko lang ang iniisip ko. Hindi ko inisip kung ano man ang maging dating no'ng sinabi ko sa kanya. Hindi ko inisip na masasaktan ko pala siya. Tumayo na siya galing sa pagkaka-up dito tabi ko, papaalis na. Naramadam kong naninikip na naman ang dibdib ko. "Wait! Flynn..." Pigil ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. Liningon niya ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Pagkatapos ay tumaas ang paningin niya at sinalubong ang mga mata ko. "I'm sorry. Hindi naman ganyan ang ibig kong sabihin sa sinabi ko sa'yo, e." Sinsero kong hindi ng tawad sa kanya.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko ng tipid niya akong nginitian."It's fine, Farrah. Naiintindihan ko, naiintindihan kita. And I'm sorry too. I didn't mean to avoid you pero wala na akong ibang alam na pwede kong gawin. I am just giving myself some time to adjust and... to move on." Muli ay nginitian niya ako. Pero hindi ko magawang e appreciate 'yon dahil parang kinukurot lang naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. "But, don't worry. I will still try my best and act casually. Just... Just please, stop saying too much words such as "po", feeling ko kasi ang tanda-tanda ko na kapag gano'n."
Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay tuluyan na siyang umalis. Naiwan na ako dito sa locker room na mag-isa. 'Yong kaginhawaan na naramdaman ko kanina no'ng yinakap niya ako ay kasabay na nawala nang umalis siya. Lalo na ng dahil sa sinabi niya. Parang ang bigat na naman ng nararamdaman ko. Ito naman ang pinili ko diba? Pero, di ba nga ay pinili ko 'to para hindi ako masaktan? Pero bakit nasasaktan pa rin ako? Parang mas nasasaktan pa nga yata ako dahil sa ginawa ko. Kahit mabigat ang pakiramdam ko ay sinubukan ko pa rin mag focus sa trabaho. Lalo na nang nagtawag ng isang briefing si Flynn sa aming lahat ng empleyado niya. Kinakabahan ako dahil pakiramdam ko ay may kinalaman ito sa katangahan na nagawa ko kahapon.
Nagsumbong ba talaga 'yong guest kahapon? Ano kaya ang naisip ni Flynn ng malaman niya ang katangahan ko kahapon? Panigurado na disappoint na siya sa'kin! Lalo na at kakilala niya pa talaga 'yong guest, diba? Papagalitan kaya ako ni Flynn sa harapan ng mga kasamahan ko? Matatanggal kaya ako sa trabaho? Napapailing na lang ako. Para na akong baliw kaka overthink dito. Malakas akong bumuntong-hininga at pilit na ngumiti ng may guest na napatingin sa gawi ko. I let out a heavy breathe again as I tried to clear my mind. Presence of mind, Nicolah! Presence of mind. Mamaya mo na isipin kong ano ang mangyayari mamaya kung ayaw mong makagawa na naman ng kapalpakan ngayon! Nagpapasalamat ako at wala naman akong katangahang nagawa hanggang sa pinatawag na kami sa briefing. Andito kami ngayon sa may dining area mismo. Sinadya talaga ni Flynn na ipasarado ang restaurant ngayong hapon para lang sa briefing na 'to. Hindi ko nga alam kung ano ang pag-uusapan, pero siguro nga ay importante iyon dahil isinara niya pa talaga ang restaurant para dito.
"Earth to Nicolah!"
Bahagya akong napaatras nang inilapit ni Beau ang mukha niya sa akin. Napakurap ang mga mata ko dahil para akong naduduling sa lapit ng mga mukha namin. Magkatabi kasi kami ngayon. Bali ang inuupuan kasi namin ay isang mga magkarugtong na mahahabang couch, kaya para kaming nakahilera. Nasa left side ko si Beau habang sa right side naman ay si Krizz. As of now ay hinihintay pa namin ang aming amo na si Flynn dahil wala pa siya dito. Ang iba ko namang kasamahan ay may kanya-kanyang ginagawa. Ang iba ay nag secellphone habang ang iba naman ay nag uusap-usap. Ako lang yata ang nakatunganga dito kaya ako ginulo nitong katabi ko. "Oh, bakit ba?" Nakaismid kong tanong sa kay Beau.
"You didn't know? You're spacing out again!" He hissed and shook his head. "Ano ba kasi ang iniisip mo na naman d'yan?" He curiously ask.
Bumuntong-hininga naman ako at insinandal ang likod ko sa backrest ng couch. I crossed my arms in front of my chest and shook my head. "Wala naman." Nakangusong sabi ko sa kanya.
"Wala naman? Oh, come on! I won't buy that, Nicz. What's your problem ba kasi? Care to tell me? I am just here, very willing to listen to you." Usal ni Beau at isinampay ang braso niya sa backrest ng inuupuan ko.
Sasagot na sana ako ng bigla nalang nag-isa isang bumati ng "Good afternoon, chef" o di kaya ay "Magandang hapon, chef" ang mga kasamahan ko, kaya napatuwid ako ng upo. Narinig ko namang bumati rin pabalik si Flynn sa kanila. "May utang kang kwento na kailangan mong sabihin sa akin mamaya, Nicolah." Pabulong na sabi ni Beau sa may tinga ko.
Bahagya akong napaigtad dahil nakikiliti ako. Ngunit natigilan din ako ng biglang tumikhim si Flynn sa aming harapan, kinukuha ang atensyon namin.
"Can we start now?" Seryoso ang mukha niya habang tinatanong 'yon. Napalunok nalang ako ng ang mga mata niya ay napako sa akin.
"Yes, chef." Sabay-sabay na sagot ng mga kasamahan ko.
"How about you two there? Can we start now?" Tanong niya nang hindi pinuputol ang titig niya sa'kin.
Napalingon ang mga kasamahan namin sa gawi ko, o namin ni Beau, dahil dito nakatingin si Flynn. Napalunok muna ako sa at mabilis na napatango bago sumagot. "A-ahm, yes chef."
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
"Okay, then... Let's start." Sabi niya at tumingin na sa mga kasamahan ko. "So, how are you all guys doing?"
Nag-umpisa si Flynn sa pangangamusta sa aming lahat. As expected he was the best employeer that I have ever known. Literal na inisa-isa niya kami ng tanong kung kamusta kami. Imagine we are almost 30 employees pero nagawa niya pa rin kaming isa isahin.
Hindi ko alam kung ganito pa talaga sila mag briefing. This is actually my first time for almost 6 months of being an employee here at FN Lewis Restaurant. I mean, may briefing naman kami at halos everyday iyon, pero hindi 'yon katulad nito na para bang nagkakamustahan ang lahat.
Usually kasi sa every day briefing na nagaganap ay iyong about sa menu or all in all is about sa magiging operation that day ang pinag-uusapan. But today is different, kaya nga siguro pinasarado talaga ni Flynn ang restaurant dahil mukhang magtatagal ang briefing na 'to ng oras.
Paano ba naman kasi, lahat ba naman talaga kaming employee niya dito sa restaurant ay nandito. Pati nga 'yong mga day-off ay pumunta rin. Hindi naman daw masasayang ang mga day-off nila kasi babayaran daw ni Flynn ang pagpunta nila dito. O, diba? Sa'n ka pa makakahanap ng ganyang klaseng employeer?
Honestly, ang kaba na naramdaman ko kanina ay parawang nawala na lang bigla, at napalitan na lang iyon ng pagkamangha. Hindi ko akalain na ganito pala talaga kabuting tao si Flynn. Though naririnig ko na rin naman iyon dati, na talagang tumutulong siya kahit personal na problema ng mga empleyado niya, hindi pa rin ako makapaniwala.
I can see how genuine he is in asking how are we all doing. Just by looking and listening to him now, you can really tell that he truly cares about us - his employees.
"It is good to hear that all of you are doing well. But, if any of you have any problems, whatever it is, if you think I can help, then please, don't hesitate in coming to me." Sinserong sabi ni Flynn na ikinasaya ng lahat.
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Ngunit napaiwas ako nang tingin ng bigla na lang mapadpad muli ang paningin niya sa'kin. Napanguso ako at nagpanggap na hindi ko 'yon napansin.
"Ang bait talaga ni Chef noh?!" Sabi ni Via na nasa katabing gilid ko.
Tumango naman ako at ngumiti."Oo nga, e. Ganito na ba talaga siya dati pa?" Tanong ko sa kanya.
"Oo, ganyan na talaga siya. Napakamatulungin niya kahit sa ating mga empleyado niya." Tumatangong sagot ni Via. "Alam mo. Wala na nga akong planong mag resign dito e. Grabi yong benefits na binibigay ni Chef sa'tin. Hindi na ata ako makakakita ng kay gandang employer bukod kay Chef Flynn. Tapos hindi talaga siya katulad ng ibang employer na kung makatrato ng employees ay parang hindi sila kumikita sa'tin!" Nakangiwing dagdag ni Via.
"Oo nga, e. Grabi hindi pa nga ako regular dito pero yong sahod ko ay malaki pa kaysa sa regular employee do'n sa dati kong pinagtatrabahuan." Kwento ko naman sa kanya.
"Ay hindi ka pa ba na appraise? Ilang buwan ka na ba? May dagdag na allowance pa 'yan dae, pag na regular kana!" Saad ni Via.
"Mag-a-anim na buwan pa lang sa susunod na linggo." Sagot ko naman sa kanya.
"Aw, nako! Wait ka lang dahil for sure ma aappraise na 'yan!" Parang siguradong sigurado na wik ni Via.
Nagpatuloy ang aming briefing at napag-usapan ang paparating na employees outing o aming team building. It will be a 2 days and 3 nights trip to Boracay! And wala kaming dapat na bayaran dahil si Flynn na ang gagastos no'n. From our expenses for the trip back and forth, the hotel that we will be staying, and lahat na! Oh, 'di ba ang especial namin? Naku! Paniguradong wala na talagang mag reresign na empleyado ni Flynn, dito sa restaurant niya. Lahat kami ay hindi magkamayaw sa tuwa at excitement dahil sa napag-usapan. Makikita sa mga mukha nang bawat isa sa amin 'yon.
Pagkatapos no'n ay may dinagdag pa ng kaunti si Flynn patungkol sa mga menu dito sa restaurant. Parang ang laking kaginhawaan para sa'kin nang matapos na ang meeting at hindi naman pala ako napagalitan.
Dumiretso na ako sa counter ng matapos ang briefing. Nag punas na ako ng mga kubyertos, plato, at baso para ipapa set-up ko. Ang mga kasamahan ko naman na pang broken ang schedule ay dumiretso na para mag break, habang ang ibang kasamahan ko na pang hapon ay nandito lang sa loob kasama ko. Si Beau at Via ay nag-aayos ng mga mesa at upuan, si Ate Krizz ay nagwawalis, habang si Ciara naman ay nagpupunas ng glass wall sa may pintuan ng restaurant.
If you're loving the book, nel5s.org is where the adventure continues. Join us for the complete experience-all for free. The next chapter is eagerly waiting for you!
Pasimple akong sumilip ng makita ko si Ma'am Lina at Flynn na nag-uusap sa may kusina. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kahapon. Iyon kaya ang pinag-uusapan nila ngayon?
Mabilis akong napabaling sa kaliwang bahagi ng napatingin bigla si Flynn sa gawi ko. Naramdaman niya ba ang titig ko sa kanya? Parang kumalabog na naman ang puso ko at parang nanuyo bigla ang aking lalamunan. "Nicolah!" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang pagtawag ni Ma'am Lina sa akin galing sa likuran ko.
Mas lalong kumalabog ang puso ko dahil do'n. Ba't niya ko tinatawag? Dahil ba 'to sa nangyari kahapon? Kakausapin ba ako ni Flynn patungkol do'n? Kagat ko ang ibabang labi ko ng dahan-dahan akong lumingon sa kanya. "A-ah, y-yes po Ma'am Lina?" Nag-aalinlangan akong ngumiti kay Ma'am nang makita ko ang seryosing mukha niya.
Narinig ko ang pag buntong hininga niya bago siya nagsalita."Pumunta ka sa office ni Chef Flynn ngayon. Kakausapin ka lang niya tungkol sa insidenteng nangyari kahapon."NôvelDrama.Org owns all content.
Napalunok ako. Mabili na nagtaas-baba na ang dibdib ko dahil sa kaba. "Ah, papagalitan niya ba ako, Ma'am? Matatanggalan na ba ako ng trabaho nito?" Kinakabahang tanong ko kay Ma'am Lina.
Binitawan ko ang cloth na ginamit kong pamunas sa mga basang kubyertos habang naghihintay sa sagot ni Ma'am Lina. Parang nanlalamig bigla ang buo kong katawan dahil sa kaba. Nakita ko naman ang bahagyang paglukot ng mukha ni Ma'am Lina. Kapagkuway bigla na lang itong marahan na tumawa.
"Hay, nako Nicz. H'wag kang masyadong mag overthink d'yan. Anong matatanggal na sinasabi mo? Gano'n ba ang pag-aakala mo kay Chef?" Tanong ni Ma'am Lina na napapailing.
Nakagat ko naman ang ibabang labi ko at nahihiyang umiling. "Hindi po, Ma'am."
"Oh, e alam mo naman pala, e. Kaya dapat h'wag kanang kabahan diyan. Hindi ka tatanggalan ng trabaho no'n. Mabait at maunawain iyong si Chef Flynn. Magtatanong lang siguro 'yon kung anong nangyari kahapon." Saad ni Ma'am Lina. Pagkatapos no'n ay nagpasalamat na ako sa kanya at nanghingi ng pahintulot na pupunta na ako ng opisina ni Sir Flynn. Sa totoo lang kahit pa sinabi na ni Ma'am Lina na hindi naman ako tatanggalin nito sa trabaho ay hindi pa rin mawala wala ang kaba na nararamdaman ko.
Mga ilang beses din akong nag inhale at exhale sa labas ng opisina ni Flynn bago ito kinatok.
"Come in, that's open." Narinig kong sabi niya.
Nagpakawala ako ng isang panibagong malalim na hininga bago naglakas loob na pihitin ang pintuan. Nang bumukas na ay nakita ko ka agad si Flynn na nakaupo sa isang pahabang couch na nasa opisina niya, prenteng naka-upo. "A-ahm, g-good afternoon, s-sir." Nauutal kong bati kay Flynn.
Tumaas ang isang kilay niya at napapanguso siya. "It's Flynn, Farrah. Remember?"
Nahihimigan ko ang panunuya sa boses niya. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko habang nasa hamba pa rin ng pintuan ng opisina niya.
"Come here... Sit beside me." Sabi niya at tinapik ang espasyo sa kanyang tabi. "Come on, Farrah. Don't worry, I won't bite you."
To be continued...