ONE WONDERFUL NIGHT

CHAPTER 6



Alas sais pa lang nang umaga ay gising na si Nicola. Maaga syang bumangon para makapaghanda. Ngayon kasi siya pupunta sa agency ng pag a-applyan niyang trabaho.

Pagkalabas nya sa kanyang munting silid ay agad siyang dumiretso sa kusina para makapagluto. Garlic fried rice, sunny side-up egg at hotdog ang linuto niya para sa kanilang dalawa ng Mama nya. Pagkatapos niyang mag-luto ay inilagay niya muna ito sa mesa at tinakpan bago bumalik sa kwarto at kumuha ng tuwalya para maligo muna.Content (C) Nôv/elDra/ma.Org.

Mamaya na siya kakain para makasabay niya ang kanyang ina na ngayon ay parang natutulog pa sa kabilang kwarto.

Pumasok na agad si Nicola sa banyo para makaligo. Pagkatapos nyang maligo at magpunas ng katawan ay agad nyang isinuot ang damit na hinanda nya na kagabi pa.

Isang simpleng peach satin long sleeves shirt dress at black pencil skirt na hanggang hita niya ang kanyang isinuot. Naglagay din siya nang simpleng colorete sa mukha para naman makompleto niya ang kanyang "job interview look". Tumayo siya galing sa pagkakaupo at tinignan ang kanyang kabuoan sa salamin.

"Ang ganda mo naman. Perfect!", may pagmamalaking sabi nya at kinindatan ang sariling repleksyon sa salamin.

Lumabas na siya sa kanyang kwarto dala ang bag at plastic envelope na kulay asul, ang pinaglagyan niya ng kanyang resume at iba pang importanteng papeles.

Inilagay niya muna ang mga ito sa sofa at pumunta na sa hapag. Saktong-sakto ang timing ng umupo siya sa kanyang silya, ay ang paglabas din ng ina niya galing sa kwarto nito at dumiretso na sa katapat niyang upuan.

"Good morning, Mama!", masiglang bati nya sa kanyang ina at linagyan ang pinggan nito ng pagkain.

"Magandang umaga din anak." ganting bati ng ina sa kanya, "wow, lalo kang gumanda sa suot mo anak." nakangiti'ng usal na papuri nito ng makita ang suot nya.

"Ay nako Ma, alam mo naman na sa'yo ako nagmana.", sagot niya sa ina at mapaglarong kinindatan ito.

Natawa ang ina niya at napailing nalang ito sa kakulitan niya.

Naghain na din si Nicola ng pagkain sa sariling plato at nagsimula nang kumain.

Pagkatapos nilang mag almusal ay may pag-iingat siyang nag toothbrush ulit para hindi madumihan o ma basa ang soot niya.

Nang matapos na siyang mag toothbrush at konting retouch sa mukha at labi, tumayo siya sa harapan ng Mama niya at parang modelo na nag po-pose sa harap nito, "O ma, tignan mo, okay na ba?", tanong nya dito at umikot pa para makita nito pati ang likod niya.

"Hay nako anak, sobrang sobra ka pa sa "okay" noh! Mana ka kaya sa akin. Hahaha." mapaglarong ganting usal nito na nagpatawa din sa kanya.

***

Pagkaraan ng ilang sandali ay nagpaalam na siya sa kanyang ina, "Ma, alis na po ako. I love you!" pasigaw niyang sabi dito, nasa kusina kasi ang mama nya dahil naghuhugas ng pinagkainan nila.

"o sige anak, mag iingat ka ha? I love you too.", sagot naman nito sa kanya at sinilip siya galing sa kusina.

She puckered her lips and waved her hands goodbye before going out of their house.

Natigilan si Nicolah nang makita ang isa sa pinaka-huling tao na gugustohin niyang makita.

Napakunot ang kanyang noo nang lumapit ito sa kanya at nagsalita, "Hey babe, this is for you.", wika nito at inabot ang hawak na palumpon ng bulaklak sa kanya.

Malakas siyang napabuntong-hiniga bago nagsalita, "Please lang, wag mo na akong kulitin. Hindi ko tatanggapin 'yan!", inis na singhal nya kay Aideen, ang ex-boyfriend nya, "at, h'wag na wag mo akong matatawag na babe! Hiwalay na tayo Aideen, baka nakakalimutan mo.", nakataas ang kilay niya sabay turo dito.

Tinalikuran niya na ito at nagsimula nang maglakad papunta sa sakayan ng tricycle.

"Oh c'mon! Please Nics, just give me a chance. Kahit isang beses lang Nicolah, just try to hear my side. Totoo'ng hindi ko naman talaga ginusto 'yon. I know nagkamali ako at hindi ko itatanggi 'yon.", seryoso at mahabang sabi nito habang nakasunod sa likuran nya.

Paulit-ulit naman ito ng sinasabi eh. Halos ma memorize nya na ang linya nito sa halos araw-araw itong naririnig.

Hindi niya itinatanggi sa sarili niya na hindi na siya nasasaktan dahil do'n sa nangyari. Alam na alam niya na nandiyan pa din ang sakit at panlulumo pero mas pinipili na niya na wag na masyadong magpa-apekto dito.

Ika nga nila "Life must go on."

Napabuntong hininga at napailing nalang si Nicola saka ito hinarap, "Pakiusap, wag mo na munang sirain ang araw ko ngayon Aideen. May importante akong lakad ngayon at kailangan ko ang peace of mind para makapag-isip ng mabuti mamaya. Kabaliktaran no'n ang maibibigay mo sa'kin kaya please lang, umuwi kana sa inyo!" she said frankly to him.

Nakita nya na may dumaang sakit sa mukha nito dahil sa sinabi nya.

Nakokonsensya siya dahil kahit papaano ay naging mabuting nobyo din naman ito sa kaniya pero kailangan niyang gawin iyon.

Mabilis na patuloy siyang naglakad hanggang sa sakayan ng tricycle at sumakay na. Mabuti nalang at hindi na sumunod si Aideen sa kanya.

Mag dadalawang linggo na ang dumaan simula noong nakita niya ang pagtataksil na ginawa ng dating nobyo at kaibigan niya.

What they did was so sudden and unthinkable. Never did it appear in her mind that one day the two most people she was close to will betray her. But it already happened, and there's nothing she can do.

Whether they wanted it or not, what they did still damaged her. It gave her a deep cut down to her heart and it needs time to heal.

Maybe she can't still accept their forgiveness right now, but she knows soon she will.

Mariin nalang na napapikit ang mga mata ni Nicolah nang makita si Aideen na parang na estatwa sa kinatatayuan nito habang nakatingin sa sinasakyan nyang tricycle.

Nag inhale-exhale siya at sinusubukang kalmahin ang sarili. Kailangan niyang mag focus para sa interview niya dahil iyon ang mas importante niyang gagawin.

Nang makababa siya ng tricycle ay sa terminal ng jeep naman sya naghintay ng masasakyan papunta sa building ng opisina ng pag-aapplayan nya. Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bag para e-check kung anong oras na. "7:35 AM na pala." mahinang usal nya sa sarili at sumakay na nang may pumaradang jeep na dapat sakyan niya.

***

It's almost 8:20 AM nang bumaba siya ng jeep sa harap ng isang gusali. Napatingala siya at namangha sa taas at laki nito. Hindi siya sigurado kung ilang lapag ito pero sa tantsa niya ay nasa dalawampu o higit pa. Nakita niya rin sa pinakadulong bahagi ng gusali ang malaking signage nito na ang nakalagay ay,

"Lewis Manpower Agency"

"Andito na tayo self, pagbutihan mo ha! Aja!" nakangiting usal nya sa sarili habang ang kanang kamay ay bahagyang itinaas (naka aja-fighting korean expression hehe.)

***

"Good morning ma'am, may appointment po ba kayo?" yan ang bungad ng security guard sa kanya.

"Ah, yes po. Sa 19th floor daw po ako. For job interview po sir.", nakangiting sagot nya naman dito.

"Sige po ma'am, paki fill-upan nalang po ito." sabi nito sa kanya at may inabot na kulay blue na may nakalagay na log-in book at ballpen.

Nag fill-up siya doon at inilagay ang kanyang pangalan, contact number, purpose kung bakit siya nandoon at ang oras nang pagpasok niya sa gusali.

"Ito na ho sir, salamat po.", magalang na sabi niya dito at sinauli ang log-in book at ballpen sa gwardya.

Tinaggap naman ito ni Manong Guard at nginitian siya, "Good luck sa interview nyo ma'am, pwde ho kayung maghintay muna sa labas ng opisina nila doon. 9AM pa po kasi time-in nila.", mahaba-habang sabi nito sa kanya. Nakita niya ang oras galing sa malikang orasan na nakasabit sa dingding ng gusali, 8:30 AM pa pala. "Ah, ganon po ba? Okay po, maraming salamat sir.", nginitian niya ang gwardya at magalang na tumango.

Ang bait naman ni manong guard, napangiti nalang si Nicola ng maalala ang kanyang ina. Siguro ganyan din kabait at palangiti ang Mama niya sa mga pumapasok sa building na pinagtatrabahuan nito. Dahil sa manghanga hindi napigilan ni Nicola na ilibot ang paningin sa kabuuan ng lobby.

Malawak ito at maraming espasyo. Kulay puti at maaliwalas ang sahig. May kombinasyong crema, puti, at itim ang kulay ng mga pader, pati na din ang mga pahabang mesa sa unahan. May isang malaki at magandang chandelier sa gitna nito at meron ding malalaki na parang artipisyal na kulay berdeng halaman.

Kung wala siguro ang mga nakahilerang upuan na gawa sa metal at ang mga taong karamihan ay may dalang puting folder, brown envelope o di kaya'y clear book, (siguro'y mga aplikante din katulad nya) ay mapagkakamalan nya na itong isang mamahaling hotel sa ganda.

Ang ganda naman dito! Sino kayang may-ari nito?

Mahinang usal niya sa sarili bago pumihit papunta sa elevator na para sa lahat.

To be continued...


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.