Chapter 42
Chapter 42
Anikka
May nakalatag na papel sa lamesa, para saan ang mga iyon? Magdo-drawing ba kami?
Lumapit ako sa mga papel, iniharap ko ito, laking gulat ko ng malaman ko kung ano ang nilalaman ng
papel.
Yung kontrata.
Hindi ako maaring magkamali, ito yung pinabasa sa akin noon, dito nagsimula ang lahat, dahil dito
kung bakit kami umabot sa ganito.
Pero para saan ang mga ito? Bakit nandito ito sa harapan namin? Magko-contract signing uli? Para
saan pa?
Pag-angat ko ng tingin ay nasa harapan ko na si Lukas, hawak hawak ang isang kontrata.
Nakatitig lang siya sa akin, ang mga titig na nakakatakot, parang may mangyayari, kinakabahan ako.
Napasinghap ako nang pinunit niya ang isang kontrata, mabilis niyang dinapot ang isa at pinunit muli.
Pinupunit niya ang mga ito ng hindi naiaalis ang tingin sa akin. NôvelDrama.Org holds text © rights.
"Since wala na yung contrata, wala na ring bisa ito."
"It's over."
Dalawang salita lang iyon para napakatindi ng epekto sa akin. Para akong sinasaksak ng punyal ng
ilang beses.
Ibig sabihin, di na kami magfiancee? Wala na kami, wala na. Pero bakit niya ginagawa ito. I want to
ask him, pero tila pa nawalan na ako ng boses.
Pero para saan pa kung magsalita ako, kung hindi ko rin naman kakayanin ang magiging sagot niya.
Tiyak na labis akong masasaktan doon. Pero hindi pa maialis ang mga tanong sa isipan ko. Bakit?
Anong nangyari Lukas? May ginawa ba ako?
Naramdaman ko na lang ang nangingilid na mga luha ko. Naisip ko tuloy, mahal niya ba talaga ako,
totoo ba lahat ng ipinakita niya sa akin o pinaglalaruan niya ako, tulad ng mga naging babae niya.
Tumalikod ako sa kanya, napapikit. Hindi ko na kaya, nagiging negatibo na ang pag-iisip ko, ganoon
naman talaga diba? Obvious sa pinakita niya sa akin ngayon. Baka nga pinaglalaruan niya ako. Hindi
ko kaya na sa bibig niya pa mismo manggaling iyon, mas mabuti na umalis na lang ako.
"Anikka." Tawag niya sa akin pero hindi ko na iyon pinansin at nagdiretso na lamang sa pintuan. Para
saan pa? Tinapos na niya diba?
"Anikka, baby." Tila wala akong narinig at nagpatuloy pa rin.
"Baby, please dont let go." Napatigil ako, anong don't let go na sinsabi niya? Pinakawalan na niya ako
diba? Pinunit niya yung dahilan ng pag-uugnay namin.
"Anikka, I still want to marry you." Napatigil ako at humarap muli sa kanya. Ha? Anong ibig niyang
sabihin? Pinawalang bisa na niya ang kontrata diba? Tinapos na niya ang lahat sa amin.Wala ng kami.
Tapos sasabihin niya na gusto niya pa rin akong pakasalan. Hanggang ngayon ba naman gusto niya
pa rin akong lokohin.
" I want to start a new one, Anikka, gusto kitang pakasalanan hindi dahil sa kontrata, I will marry you
because I love you so much baby.
Napadilat ako ng mata, ang sakit na nararamdaman ko ay bigla na lang naglaho at agad napalitan ng
saya. Agad kong pinunasan ang luha ko at humarap sa kanya.
Pero di ko pa rin maiwasan na maiyak. Nakakainis siya sobra!
Kung ano ano ang naiisip niyang pakulo. Tutuktukan ko siya diyan e!
Lukas
"Gago ka Lukas, Hinayupak ka talaga!" Aniya na may kasamang hikbi, pinaghahahampas pa rin niya
yung dibdib ko.
"Nakakainis kang hinayupak ka, di magandang biro iyon." Nagpakawala siya ng malalakas na hampas
pero tumugil siya at umiyak na lang ng umiyak.
Dammit! I want to punch myself, I deserve any bad words from her, each punch from her, because I am
such a jerk, dahil pinaiyak ko siya.
Pinaiyak ko ang babaeng mahal ko.
Inis na inis ako sa sarili ko, bakit ko pa kasi naisip iyon, di wari ng lang na sabihin ko na lang sa kanya,
nasaktan ko pa siya tuloy.
Lukas hindi ka talaga nag-iisip!
Marami na akong napaiyak na babae, but this makes me really guilty, mahal ko ang pinaiyak ko. Ganito
pala ang pakiramdam, tangina nakakagago.
Niyakap ko na lang siya kahit na pinagsasasapak niya ako. Yeah sapakin lang siya ako ng sapakin
hanggang sa mawala ang galit niya, handa ako sapuhin lahat ng galit niya at harapin ang sapak na
binibigay niya.
"Hush baby, hush."
Anikka
Lumuhod siya sa harapan ko at tila may nilalabas, wait, anong ibig sabihin nito..
"Anikka I still want to marry you." Agad niyang nilabas ang singsing at isinuot ito sa akin.
"I wont take no for an answer baby, You will marry me whatever happens."
Tama nga magpropropose siya but, ni hindi man lang ako tinanong kung pakakasalan ko siya.
Pero bakit pa? Kahit hindi pa niya gawin ito I will still marry him, bakit ko pa siya pakakawalan. Tss.
Marami pa kasing arte ang lalaking ito.
Pero kinilig ka naman diyan.
Tumayo siya at agad ako siyang hinalikan sa labi. That is so gentle and passionate sa bawat hagod
niya sa labi ko ay ramdam na ramdam ko na maha niya ako at ako lang ang para sa kanya.
Naglalabasan na naman ang mga paru-paro na nagwawala sa tiyan ko, ang tambol ng puso ko na
paglakas-lakas.
Hindi ko maiwasan na magrespond sa kanya, that kiss is a temptation, mahirap tangihan at sa harap
nun ay mahahalina ka gumati ng halik sa kanya.
Mas lalong lumalalim ito at tila ba mas lalo akong nalulunod sa nararamdan. Mas lalo niya kong hinapit
palapit sa kanya. Hindi ko maipaliwanag ang kasiyahan na nararamdaman ko ng maramdaman ko na
malakas din ang tibok ng puso niya.
Tila naging expert kung makipagsabayan sa tindi ng halik na binibigay niya. Habang siya ay tila gutom
na gutom at ngayon lang nakahalik sa labi. Grabe, he already invade my system, hindi ko maitatanggi
iyon, dahil pangalan niya ang isinisigaw nito.
Malakas akong napasinghap ako ng maramdam ko ang kamay niya sa dibdib ko.