Chapter 48
Chapter 48
Lukas
Agad na akong umalis sa restaurant, kailangan kong puntahan si Anikka. Siya dapat ang inaasikaso ko
at hindi si Eris na kasama ko ngayon.Hindi ko lang siya matanggihan kanina dahil agad siyang humikbi
sa harapan ko.
Nakayakap sa akin si Eris habang patuloy pa rin siyang umiiyak sa aking bisig. Wala naman akong
magagawa kundi icomfort siya. Kahit papaano ay may pinagsamahan kami, alam ko kapag may
pinagdadaanan siya. Alam kong kailangan niya ng kadamay.
"Lukas pwede pa naman tayo diba? Mahal mo pa ako diba?"Ani ni Eris na parang batang nagtatanong,
humiwalay ako sa kanya dahil doon.
Napatitig ako sa kanya.
"I already loved you Eris."
"Ha, bakit parang patapos? Lukas naman. Alam ko mahal mo pa ako. Alam ko Lukas. Naguguluhan ka
lang." Mas lalong umiyak na si Eris sa harapan ko. Gusto ko siyang kaawaan pero hindi ko magawa.
Malinaw sa akin ang lahat mahal na mahal ko si Anikka, higit pa sa sarili ko. Naging kami noon,
minahal ko siya at inalagaan. All of these are in the past, hindi na kailanman maibabalik.
"No Eris alam ko sa sarili ko kung sino ang mahal ko. Si Anikka lang iyon."
Agad na rin akong umalis sa restaurant, mali ito. Hindi dapat siya ang inuna ko, si Anikka dapat. Siya
dapat ang kasama ko hindi siya.
Kung hindi lang siya umiyak sa harapan ko at sinabing kailangan niya ako dahil may problema siya ay
hindi ko na siya papansinin pa. Pero dahil gusto lang pala niya akong bumalik sa kanya kaya gusto
niyang makipagbalikan sa akin.
Wala na kaming patutunguhan pa, dahil kay Anikka na ako ngayon, sa kanya lang. Si Anikka ang
mahal ko, malinaw na malinaw iyon sa akin. Nabigla lang ako noong nakita ko siya, pero hinding hindi
ko na ipagpapalit si Anikka sa kanya. Mahal ko siya.
Halos paliparin ko na ang sasakyan patungo sa bahay nila. Hindi ko na naipark ng maayos yung
montero dahil sa kamanadali ko na makita siya. Para akong batang sabik na sabik.
"Manang si Anikka po." Agad kong tanong sa Yaya ni Anikka. I need to see her badly. Kailangan ko
talaga na makabawi sa kanya.
" Hay nako,nandoon sa Kwarto niya hijo. Kanina pa nagkukulong doon. Mukhang ang lungkot lungkot
ng alaga ko."
Agad na akong tumakbo patungo sa kwarto ni Anikka, halos nakalimutan ko na magpasalamat kay
Manang.
I need to prioritize my baby, she's so damn sad because of me. Nakakaloko, parang gusto kong
sapakin ang sarili ko dahil doon, dahil sa kanya bakit siya malungkot. Kung sana ginawan ko talaga ng
paraan para siputin siya.
Kaya agad agad ko rin siya pinuntahan ngayon. Kailangan ko talaga makabawi sa kanya. I dont want
her to be sad. Ayokong magtampo siya sa akin. I only wanted is to make her love and care for me.
Pagpasok ko ay isang nakapangalumbaba na si Anikka ang nakita ko. Halata ang lungkot sa kanyang
mga mata.
I really want to punch myself for that. Sana talaga siya ang inuna ko para di siya magkakaganyan.
Agad akong lumapit sa kanya, pero parang wala siyang pakialam sa presensya ko,
nakapangalumbaba pa rin siya at tila walang balak kumilos. Hindi naman siya ganito dati, kapag alam
niyang nasa paligid ako ay agad niya akong lalapitan at yayakapin.
Ngayon, wala siyang pakialan sa presensya ko. kaya alam ko may tampo siya sa akin, I'm really sorry
baby.
"Anikka." Sabi ko sa malambing kong tono.
"Baby Anikka."
"Baby Anikka."
Hindi pa rin niya ako pinapansin, Nagtampo nga talaga ang baby ko. Lumapit ako sa kanya para
yakapin siya ngunit nauna siyang tumayo.
Sinundan ko naman siya at yayakapin pero hinawi niya ang aking mga kamay.
What happened baby?
Anikka
Muli kong hinawi yung mga kamay niya nang akmang yayakapin niya ako uli. Ilang beses ko ng
hinahawi ang kanyang mga kamay palayo sa akin, pero siya itong makulit at patuloy pa rin niyang
binabalik kahit hinahawi ko na.
Hinayupak siya magsawa siya diyaan. Ang sweet sweet nila ni Eris kanina, payakap-yakap pa sila
kanina. Samantala ako dapat ang kasama niya, pero nasa ibang kandungan siya.
Hinayupak siya! Siguro nagsawa na kay Eris kaya pumunta dito sa akin. Aba! Aba! Ang kapal ng apog
niya na magpakita sa akin, samantala kanina ang sweet sweet doon. Parang sila pa ang
magkasintahan kanina a?
Totoo nga ang iniisip ko, na nay something sila, at ang something na iyon ay tila buhay na buhay pa sa
pagitan nila.
So ano na ako dito ngayon, isang tangang babae, dahil naloko ng kanyang dakilang boyfriend. Fuck!
"Baby,please pansinin mo ko, may problema ba?" Tumingin ako ng masama sa kanya. Putangina!
Hindi niya ba alam ang problema, siya ang problema ko isama mo na si Eris. Mga walanghiya sila
pinagkaisahan nila ako, ang mas masakit pa bestfriend ko pa ang
"Dahil ba hindi natuloy ang date natin? Nandito na ako be." Malambing pa rin niyang sabi at ni hindi ko
pa siya nakikitaan ng pagkainis.
"Kung sana yun lang e! Hindi! Kasi yung hindi nating natuloy na date kanina mauunawaan ko yun e,
pero yung kasama mo si Eris kanina na dapat sana ako ang kasama mo sa oras na iyon at ang
masaklap magkayakap pa kayo! Yun ang problema ko Lukas! Bakit magkasama kayo!" Hindi ko na
mapigilan ang sarili ko. Mas lalong namumuo ang galit sa akin. Masyado pa siyang nagmamaang-
maangan sa ginawa niyang kasalanan sa akin?
Halata sa itsura niya ang gulat. So alam niya. Nagmamaang-maangan pa siya na walang siyang
ginagawa, nakakapangigil!
"Anikka." Mahina niyang sabi at puno rin ito ng sinseridad. Anikka, huwag kang palilinlang doon,
niloloko ka lang niyan.
Walang emosyon akong humarap sa kanya. Mas lalong nanaig ang galit ko sa kanya, kasabay ang
sakit na tumutusok sa dibdib ko. Niloloko niya ako, hindi niya ako mahal, nagpakatanga ako sa kanya.
"Totoo nga, meron nga kayo ha. Pinagloloko mo lang ako."
"No baby, it is not what you think." Napahilot ako ng aking sentido, lumang dialogue na yan! Sa tingin
niya maniniwala ako diyan. Style niyang bulok!
"Alam mo Lukas lumang style na yan e, di mo na ako maloloko niyan. Please Lukas be honest
magsabi ka ng totoo sa akin, kung ayaw mo maubos ang natitira kong tiwala sayo.Meron ba kayo?
Matagal siyang walang imik at kalmado na nakatingin sa akin. Nag-iisip ba siya ng pwede niyang
ipalusot sa akin. Pakshet siya!
Lukas
She's crying infront of me. She's hurt, she's broken just because me. I'm such a jerk to do that to her,
that I am the reason why she is crying right now. I really want to punch myself. Nakakainis talaga! Wala
akong magawa para patigilin ang sakit na nararamdaman niya.
Kung alam ko lang na mangyayari ito, hindi na sana ako sumama kay Eris, hindi ko na siya dapat
niyakap, sana tinuloy ko na lang ang date namin ni Anikka, kahit pagalitan pa ako ni Lolo dahil sa hindi
ko pag-attend ng meeting.
That conference isn't matter at all, siya lang. Kung alam ko lang, edi sana hindi ko siya nasaktan ng
ganito at hindi na kami hahantong sa ganito na pati ako ay nasasaktan na, dahil pakiramdam ko ay
itinataboy niya ako.
Napabuntong hininga na lang ako. She has right to know, that Eris is my ex. Para hindi na siya
magdududa. Dapat pala ay sinabi ko sa kanya noon pa. Maybe she will understand. Pero inuna ko pa
kasi ang takot ko magalit si Anikka just because her bestfriend is my ex at may sineryoso akong babae
ngayon.
Hindi ko siya kayang tignan ng ganito, na umiiyak dahil sa akin, pero dapat ay hindi ko siya iwan at
maging malakas para sa kanya, para sa amin.
"Anikka, Eris is my ex, just my ex-girlfriend." Pagkasabi na pagkasabi ko ay nagulat siya doon, pero
maya maya ay rin kumalma ang mukha niya.
"Ex? Talaga lang ha. Bakit magkasama ko ha, bakit?" Galit niyang sabi, halata sa kanya ang sakit dahil
sa pag-iyak na ako ang mismong dahilan.
"Because she needs me, akala ko may problema siya, pero gusto niya kaming magbalikan."
"So nagkabalikan na kayo, kasi magkayakap kayo!"
"No, tinanggihan lo siya, dahil ikaw na ang mahal ko ngayon ikaw lang." Pagkatapos ng aking sinabi ay
agad ko siyang niyakap, hinigpitan ko iyon para hindi na siya makawala, ayokong mawala siya akin.
Ayoko siyang mawala sa akin dahil lang sa bagay na ito. Kung anuman ang meron sa amin ni Eris ay
matagal ng wala iyon.
Sana kahit dito maipadama ko sa kanya na siya lang ang mahal ko at ang mamahalin ko. Sana
mawala lahat ng sakit na nararamdaman niya. I dont want her to be hurt.
Anikka
Bakit ganoon isang yakap niya nawala ang galit at inis ko sa kanya.
Dapat nagagalit ako sa pagtataksil niya sa akin, dapat matigas na ang puso ko sa kanya dahil niloko
niya ako.
Pero lahat iyon nawala bigla sa isang iglap, nananaig ang pagmamahal ko sa kanya, ang
pagpapakatanga ko.
"Anikka, please believe me." Sabi niya sa akin na titig na titig sa aking mga mata.
"Trust me." Pagkasabi niya ng dalawang salita na iyon ay inilagay niya ang aking kamay sa kanyang
dibdib kung saan ang kanyang puso.
Napapikit ako, ramdam na ramdam ko ang malakas na tibok ng puso niya. Nalilito na ako, kung ako pa NôvelDrama.Org exclusive content.
ba yung tinitibok ng puso niya o iba na?
"Anikka you're the only one can make my heart abnormally beating. Ikaw ang mahal ko, you're my only
baby wala ng iba." Napatitig ako sa mga mata niya punong puno ito ng sinseridad ay kitang kita na
wala itong bahid ng kasinungalingan.
Ayoko ng dagdagan pa ang katangan ko, pero paano kung nagsasabi siya ng totoo? That Eris is only
his past. Gustong maniwala ng puso ko, alam niya na nagsasabi siya ng totoo, samantala may
tumututol sa akin na dapat hindi ko na siya paniwalaan pa.
"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi ha?" Naiinis kong sabi niya. Kaya ko naman intindihin ang bagay na
iyon. Sige Anikka, pairalin mo ang katangahan mo.
Tss.. Minsan talaga kailangan pairalin ang katangahan para sa taong mahal mo
"Ayaw kong saktan ka." Napakamot ako ng ulo dahil doon. May katangahan talaga itong Lukas Aragon
na ito, naturingan ka naman na isang magaling na engineer.
"Hindi naman ako masasaktan doon Lukas. Ikaw talaga may tinatago ka talagang katangahan
hinayupak ka." It is not a big deal for me kung ex man niya ang bestfriend ko. Basta ako ang present
niya at maging future niya, iyon ang big deal sa akin wala ng iba.
"Naninigurado lang naman ako."
Marahan ko siyang nahampas sa kanyang dibdib. Hindi ko alam kung natatawa ako o maiinis ako sa
kanya. Matutuwa dahil ayaw niya ako masaktan, naiinis dahil hindi niya sinabi na may relasyon pala
sila ni Eris dati. Edi sana hindi na ako nagduda at umabot pa kami sa ganito.
Ngayon naniniwala na ako walang namamagitan talaga sa kanila, dapat talaga na magtiwala ako sa
kanya, dahil mahal ko siya.
"Nakakainis ka." Hinampas ko siya sa dibdib, nakakainis naman kasi siya. Para akong nagigil sa kanya
at gustong gusto ko siyang hampasin dahil sa mga pinaggagagawa niya.
Kahit pinaghahahampas ko siya ay niyayakap niya ako ng pagkahigpit-higpit, hindi siya bumibitaw.
Maya maya ay may binulong siya sa tainga ko na siyang nagpawala sa buong sistema ko.
"Tandaan mo ito, ikaw lang Anikka. Ikaw lang."