Te Amo, Forever And Ever (Filipino)

CHAPTER ONE



CHAPTER ONE

Te Amo, Forever And Ever

CHAPTER ONE

“BEAST,” mahinang sabi ni Jamie Elaine Grassner, o Jeg, sa best friend niyang si Keith James.

Inirapan niya ito. Naiinis siya rito dahil wala siyang kaide-ideya na isasama siya ni Keith sa isa sa mga

escapade nito.

Maaga pa lang ay nasa condo unit na niya ito sa Alabang. Magpapasama raw ito sa kanya at hindi siya

tinigilan nito hangga’t hindi siya naisasakay sa kotse nito. Sa pagkamangha niya ay isang private

hangar ang pinuntahan nila at umiikot na ang elise ng twelve-seater chartered plane na naroon.

Keith almost dragged her to the plane and made her sit on a seat next to the window. He even fastened

her seat belt. Before she knew it, the plane was already taking off the runway. Ni wala siyang ideya

kung saan siya balak dalhin ni Keith.

Keith chuckled. “Huwag kang sumimangot, pumapangit ka. I promise, Jeg, mag-e-enjoy ka sa

pupuntahan natin,” sabi nito na tila hindi apektado kung magusot man ang mukha niya sa

pagsimangot. Tila nagsasayaw sa pagkaaliw ang mga mata nito.

“Where are we going?” nakairap na tanong niya. Kahit anong pagkaasar niya rito ay hindi niya

magawang magtaas ng boses dito. Baka kasi kung ano ang isipin ng mga pasahero na kasabay nila.

“We’re going to Palawan. To an island resort, to be more specific. Today is Saturday and we’ll be back

on Monday,” nakangising sabi nito. Tila sinasabi ng ekspresyon ni Keith na naisahan siya nito.

“Palawan? Island resort? For three days?” nanlalaki ang mga matang pag-uulit ni Jeg sa mga sinabi

nito. Halos lumaki ang mga butas ng kanyang ilong. Sa sobrang pagkaasar niya ay hindi siya nakatiis

at pinisil niya nang mariin ang ilong nito.

“Aw, Jeg! That hurts!” nakangiwing sabi nito. At dahil pinipisil niya ang ilong nito ay nagbago ang tunog NôvelDrama.Org is the owner.

ng boses nito. Muntik na siyang mapahalakhak dahil doon, mabuti na lang at napigilan niya ang

kanyang sarili. Mapulang-mapula na ang ilong nito nang bitiwan niya.

“You love to do that!” reklamo pa nito.

Hindi siya nakonsiyensiya. Humalukipkip siya at hindi ito pinansin para ipakita na naaasar pa rin siya.

“Jeg,” tawag nito.

Hindi pa rin niya ito pinansin. Imagine, dadalhin siya nito sa isang resort sa loob ng tatlong araw at

wala man lang siyang dalang kahit ano. Ni hindi siya nakapag-empake ng mga gamit niya.

“Okay, I’m sorry. I’ve been there; I mean sa resort. Nakarating na ako roon at nagandahan ako. So, I

thought, why not share that magical place with my best friend? Trust me, you’ll love it there, Jeg.”

“Sana man lang, sinabi mo agad sa akin. Why do you love doing this? I mean, why do you love to

surprise me with this kind of stuff? Noong isang buwan lang, halos atakihin ako sa puso nang isama

mo ako sa pagba-bungee jumping mo,” reklamo niya.

He sighed. “Pinagsisihan ko na `yon, remember? Isang linggo mo akong hindi pinansin. This time, hindi

naman kita tatakutin. Gusto ko nga na mag-enjoy ka, eh.”

“Whatever, Keith!” pagtataray niya, sabay irap. Pagkatapos ay pumikit siya. That was her way of saying

that she didn’t want to talk to him anymore. Alam ni Keith ang ugali niyang iyon. Kapag nagpumilit ito

na kausapin siya ay tiyak na lalong sasama ang mood niya.

She heard him sigh.

Matalik na kaibigan niya si Keith mula pagkabata at magkaibigan din ang kanilang mga pamilya.

Parehong eskuwelahan ang pinasukan nila noong elementary at high school. Pagdating ng college,

she took up Business Management while Keith took up Engineering. Nagkahiwalay sila nang pareho

silang mag-take ng master’s degree sa kani-kanilang mga kurso. Siya ay sa University of the

Philippines, samantalang si Keith ay pumunta sa Chicago at doon nagpakadalubhasa.

Nang maka-graduate si Jeg ay tinulungan niya ang kuya niyang si Redd sa pamamahala ng kanilang

family business na chain of restaurants. Bukod doon ay may sarili rin siyang all-girl accessories

boutique. Nag-hit ang business niya at sa katunayan ay dumarami ang inquiries tungkol sa pagfa-

franchise niyon.

Her parents were now travelling around the globe, enjoying the fruits of their labor. She had already

proven herself kaya nang magpaalam siya na gusto niyang tumira sa isang condominium unit ay

pinayagan siya ng kanyang pamilya. She was spending her own money like Keith.

Nag-iisang anak si Keith kaya nang makatapos ito ay ito na ang namahala sa construction firm ng mga

ito. Bukod doon, naging abala rin ito sa paglalagalag. He was a traveler and he loved the adrenaline

rush. Kung saan-saan na ito nakakarating. Gayunman, napakamakabayan nito dahil mas gusto nitong

i-explore ang Pilipinas. Kapag nagandahan ito sa isang lugar ay paulit-ulit nitong pupuntahan iyon.

“Everybody, may I present to you the top view of the Peace Island. Please enjoy the view...”

Ang malamyos na tinig na iyon ng isang magandang babae na nakatayo sa harap ng eroplano ang

pumutol sa pagmumuni-muni ni Jeg. Dumilat siya at dumungaw sa bintana.

Napasinghap siya nang makita ang tanawin. It was a breathtaking view down below. Naiintindihan na

niya kung bakit “Peace Island” ang pangalan ng isla. Mula sa chartered plane na kinalululanan niya ay

kitang-kita niya na hugis-kamay na naka-peace sign ang islang iyon. Maayos iyong nababalanse ng

greeneries na nakikita niya habang sa mga parteng hugis-daliri naman ay walang ibang makikita kundi

mga puno ng niyog. Napakaputi ng buhangin doon at ang dagat ay kumikislap na tila may mga

diyamante. There was actually a world class resort down below.

Nasabik si Jeg na makita nang malapitan ang isla. Naisip tuloy niya na baka siya na lang ang hindi

nakakaalam sa lugar na iyon. She was not sure if it would be too much to say that what was down

there was a playground of the rich and the famous.

Bumaling siya kay Keith. Pakiramdam niya ay nagniningning ang mga mata niya.

“So?” agad na tanong nito. She could see that he was pleased by her reaction. “Ano? Gusto mo pa

akong awayin?”

Ngumiti siya. “Gusto mong awayin pa kita?” balik-tanong niya. Bigla siyang na-excite sa adventure na

iyon. Hindi na problema ang mga damit o swimsuit niya dahil nahuhulaan niya na ang resort na iyon ay

kompleto sa mga shop at boutique. Thank God she brought her wallet.

Keith smiled, exposing a perfect set of white teeth. “Tama ako na magugustuhan mo rito. Ikaw kasi, eh,

masyado kang subsob sa business n’yo bukod pa sa boutique mo. I bet, ngayon mo lang nalaman ang

lugar na ito. Well, actually, wala pang kalahating taon mula nang maging operational ang resort na ito.

Hindi pa ganoon kaingay ang promotion pero nakita mo naman, `di ba, marami nang tao sa isla. Island-

hopping is more fun in the Philippines, isn’t it?”

Napahagikgik siya. Patriotic talaga si Keith. “Ginamit mo pa talaga ang slogan ng turismo ng Pilipinas,

ha? Pero tama ka, it’s more fun here in the Philippines.” Kumapit siya sa braso ni Keith. “Thank you,

Keith!” pasasalamat niya bago hinagkan ang pisngi nito.

The kiss was meant to land on his cheek pero hindi sa pisngi nito lumapat ang mga labi niya. Sa halip

ay dumapo iyon sa mga labi ni Keith. Nanlaki ang mga mata niya, ganoon din si Keith. Naglapat ang

mga labi nila sa loob ng ilang segundo. Tila naestatwa si Jeg at hindi siya makagalaw. Naramdaman

niya nang lumunok si Keith at tumama sa ilong niya ang hininga nito.

Kinabig siya ni Keith nang makabawi ito. She rested her head on his shoulder as his hands lightly

stroked her back. Naitago niyon ang pamumula ng mukha niya. “Y-you’re welcome, Jeg,” sabi nito, his

voice a little troubled.

What happened? Nakatingin sa unahan si Keith nang hawakan niya ito sa braso at halikan sa pisngi.

Pero marahil ay bumaling ito sa direksiyon niya kaya sa mga labi nito dumapo ang halik na iyon.

Sigurado siya na hindi iyon sinasadya ni Keith dahil katulad niya ay nabigla rin ito sa nangyari. Was it

her fault?

Napatingin siya sa upuang katapat nila. An elderly couple was looking at them. Lalo siyang namula

nang ngumiti ang mga ito sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang ngumiti rin.

“Keith, what was that?” hindi napigilang tanong ni Jeg. Bumitiw siya rito at umaktong tila walang

nangyari.

“What?” balik-tanong naman nito. His smile suggested that they should just forget it. Aksidente lang

naman iyon. Isa pa ay naglapat lang ang mga labi nila at hindi talaga totoong kiss ang nangyari.

Pero namumula ang magkabilang tainga nito. God, he’s as affected as I am! She tried to smile and

thank God she did it convincingly.

Ngumiti rin si Keith at tila ang mga ngiti nila ang pumalis sa nakakaasiwang pakiramdam na iyon.

Namalayan na lang niya na lumapag na ang eroplano. Unti-unting bumagal ang takbo niyon hanggang

sa tuluyang tumigil.

“Ladies and gentlemen, welcome to Peace Island! The airstrip is located at the southern part of the

island and is four kilometers away from your cabins. From here, you will be travelling using a coaster.

Please enjoy your stay here and mabuhay!” sabi ng flight attendant. Kanina ay nabanggit nito ang iba

pang mga impormasyon na dapat malaman tungkol sa islang iyon. It had no hotel rooms, only cottages

and cabins that were scattered all over the island. The island had a reception area, though.

Tumayo na ang mga pasahero. Nagpahuli sila ni Keith kaya napansin niya na may kasabay pala silang

mga dayuhan. Nagawa niyang mabilang ang lahat ng sakay niyon. Lima ang foreigner, ang dalawang

matanda na nakaupo sa tapat ng upuan nila, dalawang teenager na babae, at isang lalaki na kung

hindi siya nagkakamali ay lokal na artista. Kaya pala napansin niya nang sumakay sila kanina na tila

kinikilig ang dalawang teenager na iyon.

Tumayo si Keith. Hinawakan nito ang kamay niya at inalalayan siyang makababa. Dati nang

hinahawakan nito ang kamay niya pero ngayon ay nakaramdam siya ng pagkailang. Bakit pakiramdam

niya ay hindi iyon kamay ng best friend niya? Bahagya siyang umiling para itaboy ang isiping iyon.

Tuluyan nang nawala ang atensiyon niya sa bagay na iyon nang makababa siya ng eroplano at

matunghayan ang lugar. Sinalubong sila ng ilang resort staff at isa-isa silang sinabitan ng kuwintas na

sampaguita.

“Mabuhay! Welcome to Peace Island. Please enjoy your stay here,” nakangiting sabi ng mga ito. She

smiled back.

Napansin niya na sa airstrip lang mainit dahil pagkatapos ng clearing na iyon ay nagsisitayugan na ang

mga puno na siyang nagbibigay lilim sa lugar. Sa pathway na kinaroroonan ng coaster ay nagkalat ang

mga namumulaklak na halaman, bukod pa sa native orchids at waling-waling na nakadikit sa mga

puno. It was so difficult to ignore them because of their scent.

Inalalayan pa rin siya ni Keith sa pagsakay sa coaster. Habang nasa biyahe ay busog na busog ang

mga mata niya sa mga tanawing nadaraanan nila. Hindi niya naiwasang mapasinghap nang maging

matarik ang tinatahak nilang daan. Saka niya napagtanto na paakyat sila sa isang tulay. Nasorpresa

siya dahil sa ilalim ng tulay na iyon ay isa palang canal. Hindi abot ng kanyang paningin ang dulo ng

canal na iyon. Natatabingan iyon ng magkabilang pader at sa pagkamangha niya ay may mga turista

roon na nakasakay sa mga bangka. Hinabol pa niya ng tingin ang lugar na iyon nang lumampas na

roon ang coaster.

“Ano’ng meron sa magkabilang pader?” naiintrigang tanong niya kay Keith. Malamang ay alam na nito

ang sagot dahil nakarating na ito roon.

“Paintings. Parang gallery ang canal na iyan and mind you, all the paintings are original and made by

famous names. Sa dulo ng canal, you’ll see a lagoon full of swans at its finest. Teka, bakit ikinukuwento

ko na? You’re supposed to see them and discover them yourself!” sabi nito, saka pumalatak.

“Ah, don’t worry, you’re not spoiling me,” nakangiting sabi niya,

Muli niyang itinuon ang tingin sa labas ng coaster. Marami pa siyang nakitang magagandang tanawin

na pumukaw sa kuryosidad niya. She was rich in her own right but this place awed her and caught her

interest big time.

“Keith, pagkatapos nating mag-check in, `punta muna tayo sa shop o boutique na puwedeng bilhan ng

mga gamit, ha? Kasalanan mo `to, eh, hindi ako prepared!”

Keith laughed and she couldn’t help but notice how enchanting his laughter was. It was so masculine

and…sexy.

Jeg! Stop it now! saway niya sa kanyang isip. Why was she thinking of Keith as an attractive, sexy man

all of a sudden? Alam niya na mahirap hindi mapansin ang kaguwapuhan nito. Why, Keith possessed

charming looks. Expressive ang mga mata nito kahit medyo singkit ang mga iyon. His eyes had a

happy expression. Matangos ang ilong nito at sa tingin niya, asset ni Keith ang may-kanipisang mga

labi nito. Hindi kailanman tumikim ng sigarilyo si Keith kaya ang mga labi nito ay natural na mapula.

Yeah, his lips were kissable and sexy.

Binatilyo pa lang si Keith ay marami nang nakakapansin sa kaguwapuhan nito, lalo na at magaling

itong magdala ng kasuotan kahit gaano kasimple ang mga iyon. Alam niya ang mga katangiang pisikal

nito pero kailanman ay hindi nagulo ng mga iyon ang isip niya katulad ng nangyayari ngayon. Hindi

niya alam kung ano ang ibig sabihin niyon.

“Let’s go? Nagpa-reserve na ako ng cottage, kukunin na lang natin ang susi, `tapos, pupunta na tayo

sa store. You’ll be surprised. Makikita mo rito ang lahat ng kailangan mo. Kaya nga hindi na ako nag-

abalang mag-empake ng gamit natin.”

Nawala na naman si Jeg sa sarili. Narating na pala nila ang reception area ng isla at sila na lang ni

Keith ang naiwan sa coaster. Hinayaan niya na si Keith ang makipag-usap sa clerk tutal ay ito ang

nagpa-reserve ng cottage nila.

Pagkatapos ay nagpasya na silang pumunta sa shops na bibilhan nila ng mga gamit. Gusto sana

niyang maglakad na lang papunta roon pero ang sabi ni Keith ay may-kalayuan daw iyon kaya

kailangan nilang umarkila ng sasakyan. Napangiti siya nang makita ang cute na cute na sasakyang

sinabi nitong maghahatid sa kanila roon. Pinagandang bersiyon iyon ng tricycle.

Narating nila ang shops at tama nga si Keith, lahat ng kailangan niya ay makikita niya roon. Mula sa

toothbrush, mga sabon, at iba pang personal na gamit, hanggang sa iba’t ibang damit na kakailanganin

nila sa tatlong araw na pananatili sa isla ay nabili nila roon.

Pagkatapos mamili ay dumeretso sila sa kanilang cottage na di-kalayuan sa dalampasigan. Napangiti

siya nang makita iyon. It was native and cute.Yari iyon sa mga kawayan at malalapad na kahoy

maliban sa banyo. Dalawa ang kuwarto at mayroon pang maliit na sala kung saan tila masarap

tumambay. Ang mga bulaklak na santan na maayos ang pagkaka-trim ang nagsisilbing bakuran ng

cottage. Maputi at pino ang mga buhangin sa ibaba ng cottage. Sa tingin niya ay hindi na nila

kailangan ng air conditioner dahil kitang-kita niya kung paano magsayaw ang maninipis na kurtina sa

bintana dahil sa hanging pumapasok doon.

The Novel will be updated first on this website. Come back and continue reading tomorrow, everyone!

Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.